Sisterhood agreement sa pagitan ng San Juan City at bayan ng Magdiwang sa Romblon, sinelyuhan ngayong Bonifacio Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa lumagda ng sisterhood agreement ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan gayundin ang bayan ng Magdiwang sa Romblon ngayong araw.

Ito’y sa kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw.

Pinangunahan nila San Juan City Mayor Francis Zamora at Magdiwang Mayor Arthur Rey Tansiongco ang paglalagda sa kasunduan sa San Juan City Hall Atrium matapos ang maikling programa.

Ayon kay Mayor Zamora, mahalaga ang kasunduan sa pagitan ng dalawang LGU dahil dito ay magpapalitan sila ng mga best practice partikular na sa larangan ng turismo, sining at kultura, social services, public health at pangangalaga sa kalikasan.

Napapanahon ani Zamora ang sisterhood agreement signing sa bayan ng Magdiwang dahil ito ang ginamit na pangalan ni Bonifacio sa kanilang partido noong panahong itatag ang unang republika katapat ng Magdalo na pinangunahan naman ni Heneral Emilio Aguinaldo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us