Kuntento sina Speaker Martin Romualdez at Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa presyuhan ng ilan sa pangunahing bilihin.
Kasunod ito ng pag-iikot ng dalawang mambabatas sa Farmers Market.
Kabilang ani Romualdez ang karne ng baboy at gulay, partikular ang sibuyas sa mga nakasunod sa itinatakdang presyuhan.
Pero napansin aniya nila na nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng bigas.
Ang pinakamababa nilang nakitang presyo ng regular-milled rice doon ay nasa P45 at P50 kada kilo.
Kaya naman plano aniya nila na bumisita muli sa Bulacan inter-city kung saan nanggagaling ang mayorya ng suplay ng bigas na itinitinda sa mga palengke sa Metro Manila.
Sisilipin din aniya nila ang pagproseso sa importasyon ng bigas gayundin ang lokal na produksyon nito.
Nanawagan naman si Romuladez sa mga supplier at trader na tiyaking may sapat na silang stock ng Christmas products upang ma-stabilize ang presyo nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes