Tanggapan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo, nagbabala ukol sa advertisements na ginagamit ang litrato ng mambabatas

Pinag-iingat ng tanggapan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang publiko mula sa naglipanang advertisement online na ginagamit ang litrato ng mambabatas para makapanghikayat ng costumer o subscribers. Mayroon kasing kumakalat online na sponsored content para sa kompanyang ‘Survey Simulator’ at ‘Joint Savings’ gamit ang larawan ng mambabatas. Ayon sa tanggapan… Continue reading Tanggapan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo, nagbabala ukol sa advertisements na ginagamit ang litrato ng mambabatas

Kasunduan sa seguridad ng Jaluar Mega-Dam Project sa Iloilo, nilagdaan ng Philippine Army at NIA

Nilagdaan ng Philippine Army at National Irrigation Administration (NIA) ang isang Memorandum of Agreement para sa pagpapalakas ng seguridad sa Jalaur River Multi-Purpose Project-Stage II (JRMP II). Ang kasunduan ay nilagdaan kahapon ni 3rd Infantry Division (3ID) Commander Major General Marion Sison at 301st Infantry Brigade Commander Brigadier General Michael Samson; kasama sina Engineer Jonel… Continue reading Kasunduan sa seguridad ng Jaluar Mega-Dam Project sa Iloilo, nilagdaan ng Philippine Army at NIA

Angat Dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang Angat Dam sa Bulacan dahil sa mga pag-ulang nitong mga nakalipas na araw. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay nasa 212.75 meters pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 212 meters. Isang… Continue reading Angat Dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig

Mahigit P500K na halaga ng medical equipment, ibinigay ng DOH para sa super health center sa Basista, Pangasinan

Mahigit kalahating milyong piso na halaga ng medical equipment mula sa Department of Health (DOH) ang ipinasakamay sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Basista, Pangasinan para sa kanilang bagong tayong Super Health Center. Kabilang sa mga gamit na personal na tinanggap ni Basista Mayor Jolly Resuello ay biological safety cabinet, clinical at Hematocrit centrifuge,… Continue reading Mahigit P500K na halaga ng medical equipment, ibinigay ng DOH para sa super health center sa Basista, Pangasinan

Pangasinan LGU at ilang opisyal sa Yeongju City, South Korea, nagpulong upang pag-usapan ang mga oportunidad para sa pamumuhunan

Nagkaroon ng pagkakataon si Pangasinan Governor Ramon Guico III na makapulong ang ilang mga opisyal mula sa Yeongju City, South Korea. Partikular na nakausap ng gobernador sa Urduja House ng Capitol Complex sa bayan ng Lingayen noong November 29 sina Mayor Park Nam Seo at Chairman Sim Jae Youn. Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ng mga… Continue reading Pangasinan LGU at ilang opisyal sa Yeongju City, South Korea, nagpulong upang pag-usapan ang mga oportunidad para sa pamumuhunan

Panukalang Maritime Zones Act, malaki ang tyansang maipasa sa Enero — Sen. Tolentino

Kumpiyansa si Senador Francis Tolentino na maipapasa na Enero ng susunod na taon o sa January 2024 ang panukalang Maritine Zones Act. Ito ang panukalang tutukoy sa mga hangganan ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kabilang ang mga bahagi ng dagat na sakop ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa. Ayon sa senador, chairman ng… Continue reading Panukalang Maritime Zones Act, malaki ang tyansang maipasa sa Enero — Sen. Tolentino

LTO Chief Asec. Mendoza, handang harapin ang inihaing reklamo laban sa kanya sa Ombudsman

Bukas si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na harapin ang reklamong inihain sa Ombudsman laban sa kanya. Kaugnay ito ng isinampang patong-patong na kaso ng isang transport group at supplier ng plaka laban kay Mendoza. Sa isang pahayag, inamin ng LTO Chief na ikinagulat nito ang kaso lalo pa’t ang… Continue reading LTO Chief Asec. Mendoza, handang harapin ang inihaing reklamo laban sa kanya sa Ombudsman

Presyo ng lechon sa La Loma, QC, stable pa

Wala pang paggalaw sa presyo ng ibinebentang lechon sa bahagi ng La Loma sa Quezon City sa pagpasok ng buwan ng Disyembre. Ayon kay Mang Egay, may-ari ng Mang Tomas Native Lechon sa La Loma, stable pa ang kanilang bentahan ngayon dahil wala namang pagbabago sa kuha nila sa supplier. Sa ngayon, mabibili ang lechon… Continue reading Presyo ng lechon sa La Loma, QC, stable pa

Dagdag subsidiya para sa PUV Modernization Progam sa susunod na taon, aaralin ng Kongreso

Hindi isinasara ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ang pintuan sa posibilidad na madagdagan ang pondo ng PUV Modernization Program subsidy para sa susunod na taon. Sa pagsalang ng panukalang 2024 national budget sa Bicameral Conference Committee, natanong si Co kung bukas sila na dagdagan ang subsidiya sa PUV Modernization na hirit ng kasamahang… Continue reading Dagdag subsidiya para sa PUV Modernization Progam sa susunod na taon, aaralin ng Kongreso

Desisyon ng Pangulo sa magiging susunod na PNP Chief, inaabangan

Inaabangan ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang magiging susunod na pinuno sa nakatakdang pagretiro sa serbisyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa December 3. Sa ngayon wala pang impormasyon kung ma-eextend ang termino ni Gen. Acorda o kung may napipisil ang Pangulo na… Continue reading Desisyon ng Pangulo sa magiging susunod na PNP Chief, inaabangan