Aftershocks kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur, higit 1,700 na — PHIVOLCS

Patuloy pa ring nadaragdagan ang aftershocks kasunod ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong December 2. Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), umakyat na sa 1,726 ang naitalang aftershocks hanggang kaninang alas-9 ng umaga. Mula rito, 348 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit… Continue reading Aftershocks kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur, higit 1,700 na — PHIVOLCS

AFP, nakiisa sa paggunita ng ‘Human Rights Consciousness Week’

Nanawagan si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa lahat ng tauhan ng AFP na patuloy na protektahan ang karapatang pantao ng mamamayan. Ang mensahe ng AFP Chief ay binasa ni AFP Deputy Chief of Staff Lt.Gen. Charlton Sean Gaerlan sa flag raising ceremony sa Camp Aguinaldo ngayong umaga. Ito’y bilang pakikiisa ng… Continue reading AFP, nakiisa sa paggunita ng ‘Human Rights Consciousness Week’

Bilang ng mga Pilipinong umuwi sa bansa mula Lebanon, umakyat na sa 61

Pumalo na sa 61 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi na sa Pilipinas matapos maipit sa panggugulo ng grupong Hezbollah sa Lebanon. Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) makaraang tiyakin nito ang patuloy na pag-alalay ng pamahalaan sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa ibayong dagat. Nadagdag sa bilang… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong umuwi sa bansa mula Lebanon, umakyat na sa 61

MMDA, nagpaalala sa mga siklista na bawal silang dumaan sa EDSA Busway

Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawal dumaan sa EDSA busway ang mga siklista. Ginawa ng MMDA ang paalala makaraang mag-viral sa social media kamakalawa ang pagdaan ng isang grupo ng mga siklista sa busway. Ayon sa ahensya, lubhang napakadelikado para sa mga nagbibisikleta ang pagdaan sa busway lalo’t nakalaan ito sa… Continue reading MMDA, nagpaalala sa mga siklista na bawal silang dumaan sa EDSA Busway

PBBM, nanawagan ng pagkakaisa sa publiko kasunod ng malakas na pagyanig na naranasan sa Mindanao

Umapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng pagkakaisa ngayong muling nahaharap ang bansa sa isa na namang hamon kasunod ng naranasang 7.4 magnitude earthquake sa Mindanao. Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng pagbubuklod ay sama-samang mapagtatagumpayan ang anumang balakid o hadlang na idinulot ng tumamang kalamidad. Tiyak aniyang makakabangon tayo at mas magiging malakas… Continue reading PBBM, nanawagan ng pagkakaisa sa publiko kasunod ng malakas na pagyanig na naranasan sa Mindanao

Pag-ako ng ISIS sa pagpapasabog sa Marawi, vina-validate ng AFP

Vina-validate ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lumabas na ulat ng pag-ako ng Islamic State ng responsibilidad sa pagpapasabog kahapon sa Mindanao State University sa Marawi. Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kasabay ng pagsabi na tinitignan din nila ang posibleng pagkakasangkot ng Daula-Islamiya- Maute Terror… Continue reading Pag-ako ng ISIS sa pagpapasabog sa Marawi, vina-validate ng AFP

Sen. Bato dela Rosa, naniniwalang mga terorista ang nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University

Umaasa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo ay hindi isang misplaced agression na may kaugnayan sa Hamas-Israel war. Iginiit ni Dela Rosa na namamayani ang kapayapaan, pagmamahalan, at respeto sa pagitan ng mga… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, naniniwalang mga terorista ang nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University

Pamahalaan, ‘on top of the situation’ kasunod ng insidente ng pambobomba sa Mindanao — PBBM

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ‘on top of the situation’ ang gobyerno kasunod ng bombing incident sa Mindanao State University. Ang pagtiyak ay ginawa ng Punong Ehekutibo habang ipinagkakaloob ang kaukulang tulong sa mga nabiktima ng karahasan. Ayon sa Pangulo, kapwa naka-alerto ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines… Continue reading Pamahalaan, ‘on top of the situation’ kasunod ng insidente ng pambobomba sa Mindanao — PBBM

Higit 2,000 tricycle drivers at delivery riders sa QC, tumanggap ng gift packs mula sa OVP

Aabot sa 2,500 na tricycle drivers at mga TNVS at delivery riders ang tumanggap ng gift packs mula kay Vice President Sara Duterte. Kasunod ito ng isinagawang serye ng gift-giving ng Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City ngayong umaga na pinangunahan ni OVP Director for Operations Norman Baloro. Ayon kay Director Baloro,… Continue reading Higit 2,000 tricycle drivers at delivery riders sa QC, tumanggap ng gift packs mula sa OVP

DA, inaalam na ang epekto ng Magnitude 7.4 na lindol sa sektor ng agrikultura sa Caraga

Nagsasagawa na rin ang Department of Agriculture (DA) ng damage assessment sa mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao de Sur noong December 2. Ayon sa DA, nakikipag-ugnayan na ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) maging sa mga regional office nito upang matukoy ang epekto ng malakas… Continue reading DA, inaalam na ang epekto ng Magnitude 7.4 na lindol sa sektor ng agrikultura sa Caraga