OPAPRU Sec. Galvez, ipinagpasalamat ang suporta ng Kamara sa hakbang ng Marcos administration para sa kapayapaan

Lubos ang pasasalamat ni OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr., sa Kamara sa pagsuporta sa mga proklamasyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. patungkol sa pagbibigay amnestiya sa dating mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo. Ito’y matapos lumusot na sa House Committee on Justice at Committee on National Defense and Security ang apat na House… Continue reading OPAPRU Sec. Galvez, ipinagpasalamat ang suporta ng Kamara sa hakbang ng Marcos administration para sa kapayapaan

Gusali ng NAPOLCOM, nakatanggap ng bomb threat

Nananawagan sa publiko ang Quezon City Police District na makipagtulungan sa concern agencies lalo na sa Philippine National Police pagdating sa seguridad. Ginawa ni QCPD Director Redrico Maranan ang apela kasunod ng bomb threat na bumulabog sa gusali ng National Police Commission ngayong araw. Sinabi ni General Maranan, nakatanggap ng mensahe sa email ang kawani… Continue reading Gusali ng NAPOLCOM, nakatanggap ng bomb threat

DOH, inaming may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa

Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Chief Information Officer Undersecretary Eric Tayag na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases sa ilang rehiyon sa bansa. Ayon kay Tayag, mabagal ang naitatalang pagtaas ng mga kaso at sa ngayon ay wala pa naman silang nakikitang overcrowding ng mga ospital. Tuloy-tuloy pa rin aniya ang monitoring ng DOH… Continue reading DOH, inaming may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa

Health Secretary Teodoro Herbosa, iginiit na walang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas

Nilinaw ni Health Secretary Teodoro Herbosa na walang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas. Sa muling pagsalang ni Herbosa sa Commission on Appointments (CA), sinabi ng kalihim na bagama’t maraming kaso ng respiratory illness sa bansa ngayon, ito ay dahil lang aniya sa panahon. Ipinaliwanag rin ni Herbosa na totoo mang tumataas ang kaso ng… Continue reading Health Secretary Teodoro Herbosa, iginiit na walang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas

Mga senador, magkakaroon ng executive session kasama ang security sector tungkol sa bombing incident sa MSU

Magkakaroon ng executive session ang mga senador kasama ang security cluster ng pamahalaan tungkol sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nitong Linggo. Sa sesyon kahapon, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iimbitahan nila sa Miyerkules ang Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP),… Continue reading Mga senador, magkakaroon ng executive session kasama ang security sector tungkol sa bombing incident sa MSU

Lubang, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindo kaninang 4:23 PM

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol kaninang 4:23pm ang Lubang, Occidental Mindoro ayon sa opisyal na datos ng PHIVOLCS. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay Lubang Mayor Michael Oryani kaugnay ng lindol, malakas ang naramdamang pagyanig sa kanilang bayan at bagamat hindi na bago sa kanila ang mga lindol, isa ang pagyanig kanina sa… Continue reading Lubang, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindo kaninang 4:23 PM

MSSD ng Bangsamoro Government, agarang nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga biktima ng MSU-Marawi bombing

Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) ang agarang pagbigay ng pinansyal na tulong at iba pang mga pangunahing kailangan ng mga biktima at kanilang mga pamilya sa Amai Pakpak Medical Center, Marawi City kung saan sila ay naka-ospital. Ang Minister mismo ng Ministry of Social… Continue reading MSSD ng Bangsamoro Government, agarang nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga biktima ng MSU-Marawi bombing

Humigit kumulang 40,000 Pulis, ipakakalat para sa papalapit na Pasko

Simula sa Disyembre 15, itataas na ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status bilang paghahanda sa papalapit na Pasko kasabay ng tradisyunal na simbang gabi. Sa katunayan, mag-iikot ngayong hapon si PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. sa ilang vital installations sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko.… Continue reading Humigit kumulang 40,000 Pulis, ipakakalat para sa papalapit na Pasko

Kamara, patuloy na babantayan ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagbaba ng inflation rate nitong Nobyembre

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng pagbagal sa inflation nitong buwan ng Nobyembre. Batay sa PSA report, mula 4.9 percent noong Oktubre ay bumaba na sa 4.1 percent ang inflation rate. Ayon kay Romualdez, pasok ito sa 4 hanggang 4.8 percent forecast ng Bangko Sentral ng… Continue reading Kamara, patuloy na babantayan ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagbaba ng inflation rate nitong Nobyembre

Warehouse na naglalaman ng P5-M halaga ng imported rice sa QC, sinalakay – DA

Aabot sa 1,900 na sako ng hinihinalang smuggled rice ang nadiskubre ng Department of Agriculture (DA) sa isang warehouse sa Zorra St., Barangay Paltok Quezon City. Sa isinagawang joint anti-smuggling operation sa warehouse na pag aari ng Edward and Edit Merchandising, nakita ang imported rice na nagmula sa Thailand at Myanmar na nagkakahalaga ng P5… Continue reading Warehouse na naglalaman ng P5-M halaga ng imported rice sa QC, sinalakay – DA