Manila LGU, nanatiling tutok sa transport stirke; tigil-pasada, hindi pa rin ramdam sa lungsod ng Maynila

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tuloy ang kanilang pag-alalay sa mga posibleng ma-stranded dahil sa ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON. Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, nakatutok aniya ang buong pwersa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila gaya ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB, Manila Disaster Risk Reduction… Continue reading Manila LGU, nanatiling tutok sa transport stirke; tigil-pasada, hindi pa rin ramdam sa lungsod ng Maynila

Ika-18 batch ng OFWs mula sa Lebanon, nakabalik na sa Pilipinas

Nakabalik na sa Pilipinas ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah. Sakay ito ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas-4:11 ng hapon kahapon. Personal na sinalubong sila ni Assistant Secretary Felecitas Bay… Continue reading Ika-18 batch ng OFWs mula sa Lebanon, nakabalik na sa Pilipinas

Truck ban sa Valenzuela, palalawigin sa Dec. 16

Nag-abiso na ngayon ang Valenzuela LGU sa ipatutupad na extended truck ban hours sa lungsod sa darating na Sabado, December 16. Ito ay upang magbigay daan sa gaganaping 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars na daraan sa CAMANAVA. Sa inilabas na traffic advisory ng LGU, paiiralin ang extended truck ban hours sa… Continue reading Truck ban sa Valenzuela, palalawigin sa Dec. 16

Malabon LGU, may libreng sakay para sa mga maapektuhan ng transport strike

Nakaagapay ang pamahalaang lungsod ng Malabon para sa mga pasaherong maaapektuhan ng transport strike ng grupong PISTON simula ngayong Huwebes, December 14-15. Ayon sa Malabon LGU, bilang tugon sa tigil-pasada ay nag-deploy na ito simula kaninang alas-5 ng umaga ng mga rescue vehicle paramagbigay ng libreng sakay. Kabilang rito ang anim na sasakyan ng LGU… Continue reading Malabon LGU, may libreng sakay para sa mga maapektuhan ng transport strike

27 na pamilya ng peacebuilders sa bayan ng Mondragon, Northern Samar, benepisyaryo ng Lay Egg Chicken Project ng Department of Agriculture–Eastern Visayas

Nakatanggap ang dalawampu’t pitong pamilya ng peacebuilders na miyembro ng Nagkakaisang Agricultural Cooperative (NNAC) sa Kauswagan Village sa Brgy. Cablangan, Mondragon, Northern Samar ng apat na daan na ready-to-lay white chickens at isang daang dalawamput pitong sako ng layer feeds para sa pagsuporta sa kanilang matahimik na pamumuhay kasama ang mga mamamayan. Ang nasabing tulong… Continue reading 27 na pamilya ng peacebuilders sa bayan ng Mondragon, Northern Samar, benepisyaryo ng Lay Egg Chicken Project ng Department of Agriculture–Eastern Visayas

Caloocan LGU, muling tumanggap ng Seal of Good Local Governance

Sa ikapitong pagkakataon, muling napabilang ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa mga LGU na ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Ito ay bilang patunay sa husay na ipinakita ng LGU sa nagdaang taon sa iba’t ibang larangan ng pamumunong lokal. Personal na tinanggap ni… Continue reading Caloocan LGU, muling tumanggap ng Seal of Good Local Governance

Kamara, natapos na ang 17 SONA priority measure ni Pres. Marcos Jr.

Sa pagsasara ng sesyon ng Kamara para sa kanilang Christmas break ay ibinida ni Speaker Martin Romualdez na napagtibay na ng Kapulungan ang lahat ng 17 SONA priority measure ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Maliban dito, nasa 20 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) measures na rin aniya ang kanilang naaprubahan hanggang nitong Setyembre o… Continue reading Kamara, natapos na ang 17 SONA priority measure ni Pres. Marcos Jr.

Kamara, mananatiling abala kahit naka-break ang sesyon; panukalang charter change, seryosong aaralin

Sa kabila ng Christmas break ng Kongreso ay magiging abala pa rin ang Kamara. Tututukan kasi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aaral sa mga panukalang amyendahan ang Konstitusyon. Sa kaniyang closing speech, sa pagsasara ng sesyon sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aaralin nila ngayong Christmas break ang pag-amyenda sa economic provisions ng… Continue reading Kamara, mananatiling abala kahit naka-break ang sesyon; panukalang charter change, seryosong aaralin

Mga disaster prone area sa Caraga Region nilagyan ng VSAT ng DICT-Caraga para sa walang patid na komunikasyon sa panahon ng kalamidad

Layuning nitong makamit ang tuloy-tuloy na komunikasyon at coordination lines sa panahon ng kalamidad, binigyang katuparan ng Department of Information ad Communications Technology o DICT-Caraga katuwang ang United Nations Development Program o UNDP, ang instulasyon ng Very Small Aperture Terminal o VSAT units sa mga disaster prone at highly vulnerable na mga lugar sa rehiyong… Continue reading Mga disaster prone area sa Caraga Region nilagyan ng VSAT ng DICT-Caraga para sa walang patid na komunikasyon sa panahon ng kalamidad

Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, sa mga lugar ng bansa na idineklara ng BFAR na may ride tide

Kasama ang Dumanguillas Bay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur sa mga lugar ng bansa, partikular na sa Mindanao at Visayas, na idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mayroong paralytic shellfish poison o toxic red tide. Ito’y batay sa pinakahuling Shellfish Bulletin No. 28, series of 2023, ng DA-BFAR. Ayon sa… Continue reading Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, sa mga lugar ng bansa na idineklara ng BFAR na may ride tide