Inanunsyo ni PNP Public Information Office (PIO) Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo ang pagkaaresto sa dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Maute Terror Group na nagkanlong umano sa 2 Persons of Interest sa pambobomba sa Mindanao State University.
Ayon kay Col. Fajardo, naaresto ng mga pulis noong Disyembre 9 sa Brgy. Cabasaran, Lumbayanague, Lanao del Sur ang 2 suspek na sina alyas Maausor at alyas Monatanda.
Pareho silang may warrant of arrest sa kasong murder at sinasabing nagkanlong sa mga nasa likod ng MSU bombing na sina Cadapi Mimbisa alyas Engineer at Arseni Membisa alyas Lapitos.
Paliwanag ni Fajardo, sa isinagawang operasyon nakuhanan pa ng mga baril at bala ang 2 suspek.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP kung may direktang kaugnayan din ang 2 DI-Maute member sa MSU bombing. | ulat ni Leo Sarne