3 pulis ng QCPD, sinibak dahil sa pagpapakalat ng crime scene video ni Ronaldo Valdez

Inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na sinibak sa pwesto ang 3 pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na sangkot umano sa pagpapakalat ng crime scene video ng nasawing aktor na si Ronaldo Valdez. Kinilala ang mga sinibak na sina Police Senior Master Sergeant Wilfredo Calinao, Police… Continue reading 3 pulis ng QCPD, sinibak dahil sa pagpapakalat ng crime scene video ni Ronaldo Valdez

Patrimonya ng Pilipinas, hindi dapat isuko sa isinusulong na economic ChaCha

Nanindigan si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi dapat isuko o ikompromiso ang patrimonya ng bansa sa isinusulong na economic charter change. Ayon sa independent minority solon, hindi aniya dapat basta na lang buksan o i-liberalize ang foreign equity at pagmamay-ari sa mga sensitibong korporasyon at sektor. Tinukoy pa nito na batay sa Organization for… Continue reading Patrimonya ng Pilipinas, hindi dapat isuko sa isinusulong na economic ChaCha

Mahigit 200 pasahero, stranded pa rin sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao dulot ng Tropical Depression Kabayan

Hindi pa rin nakakabiyahe ang mahigit 200 pasahero sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao dulot ng bagyong Kabayan. Sa ulat na nakarating sa Central Office ng Philippine Port Authority, nasa 236 pa rin ang nananatili sa mga terminal dahil sa kawalan ng bumibiyahe na mga barko. Sa pantalan ng Bohol, may 31 pasahero ang… Continue reading Mahigit 200 pasahero, stranded pa rin sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao dulot ng Tropical Depression Kabayan

Pagsasagawa ng community fireworks display sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon, suportado ng Metro Manila Council

Nakatakdang ilabas ng Metro Manila Council ang kanilang resolusyon na sumusuporta sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito’y para sa pagpasa ng ordinansa ng mga Lokal na Pamahalaan para sa pagbabawal sa mga paputok at pagkakasa naman ng community fireworks display sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon. Ayon kay… Continue reading Pagsasagawa ng community fireworks display sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon, suportado ng Metro Manila Council

Nasa 15 e-trike, binatak sa isinagawang anti-colorum operation ng Parañaque LGU ngayong araw

Hindi bababa sa 15 mga electronic tricycle o e-trike ang binatak ng pinagsanib na puwersa ng Parañaque LGU at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw. Kaalinsabay ito ng isinagawang anti-colorum operation sa pangunguna ng Task Force Parañaque sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Parañaque City. Ayon kay Rodolfo Avila, pinuno ng Tricycle… Continue reading Nasa 15 e-trike, binatak sa isinagawang anti-colorum operation ng Parañaque LGU ngayong araw

985 na mga PDL sa New Bilibid Prisons, pinalaya na ng BuCor

Malaya nang ipagdiriwang ng may 985 Persons Deprived of Liberty o PDL ang Pasko sa labas ng mga bilangguan matapos silang palayain ng Bureau of Corrections o BuCor. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr, nagmula ang mga pinalayang PDL sa iba’t ibang prison at penal farm ng BuCor na kinabibilangan ng mga… Continue reading 985 na mga PDL sa New Bilibid Prisons, pinalaya na ng BuCor

‘Plain clothes policemen’, idineploy ng PNP

Nag-deploy ang PNP ng mga ‘plain clothes policemen’ sa mga matataong lugar ngayong panahon ng Pasko. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ito’y para mapangalagaan ang seguridad sa ‘places of convergence’ tulad ng mga terminal, tiangge at night market. Dagdag ni Fajardo, pangontra din ito sa kriminalidad, dahil… Continue reading ‘Plain clothes policemen’, idineploy ng PNP

Test run para sa LRT line 1 Cavite Extension Phase 1, nakumpleto na

Nakumpleto na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT line 1 ang test run sa kanilang mga train set unit. Ito’y bilang paghahanda sa napipintong pagbubukas ng Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension Project mula sa Redemptorist Station hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque City. Ayon sa LRMC,… Continue reading Test run para sa LRT line 1 Cavite Extension Phase 1, nakumpleto na

Muling pagsigla ng salt industry ng bansa, abot kamay na

Halos abot kamay na ang hangaring mapasigla at buhayin muli ang industriya ng pag-aasin sa bansa. Ito ang sinabi ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, matapos ratipikahan ng Kongreso ang pinal na bersyon ng Philippine Salt Industry Development Act. Ayon sa mambabatas oras na maging ganap na batas ay makakapagtatag ng ‘five-year roadmap’ na… Continue reading Muling pagsigla ng salt industry ng bansa, abot kamay na

Atrasadong delivery ng DepEd learning supplies dahil sa isang logistics company, pinasisiyasat

Naghain ng isang resolusyon sa Kamara upang magkasa ng imbestigasyon kaugnay sa bilyon-bilyong pisong halaga ng “learning materials” ng Department of Education o DepEd na “hostage” umano ng Transpac Cargo Logistics Incorporated. Salig sa House Resolution 1516 inaatasan ang House Committee on Public Accounts, at Basic Education na silipin ang naturang usapin. Tinukoy sa resolusyin… Continue reading Atrasadong delivery ng DepEd learning supplies dahil sa isang logistics company, pinasisiyasat