Stop-and-Go Left-Turn Scheme sa Tandang Sora- Commonwealth Ave., pansamantalang pinahinto ng QC LGU

Simula ngayong araw ipinahinto muna ang Stop-and-Go Left-Turn Scheme sa Tandang Sora East Bound mula Commonwealth Avenue. Sa abiso ng Pamahlaang Lungsod ng Quezon, kasama ring isasara ang Zipper Lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Avenue. Ang pagpapahinto sa Stop-and-Go Left-Turn Scheme at pagsasara ng Zipper Lanes ay tatagal hanggang Enero 1, 2024.… Continue reading Stop-and-Go Left-Turn Scheme sa Tandang Sora- Commonwealth Ave., pansamantalang pinahinto ng QC LGU

DOLE, ipinangako ang maaayos na kapakanan ng mga Pinoy caregiver

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang buong suporta para sa Caregiver’s Welfare Act na nagbibigay proteksyon para sa mga Filipino caregiver. Sa inilabas na pahayag ng DOLE, sinabi nito na ang pagpasa ng Republic Act No. 11965 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay tugma sa Philippine Development Plan… Continue reading DOLE, ipinangako ang maaayos na kapakanan ng mga Pinoy caregiver

Daily departures, inaasahang tataas pagkatapos ng bagong taon ayon sa BI

Inaasahang papalo sa 40,000 ang bilang ng mga daily departure sa bansa kada araw pagkatapos ng bagong taon ayon sa pahayag na inilabas ng Bureau of Immigration. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco dahil ito sa inaasahang pagbalik sa trabaho ng mga OFW at ng mga residente abroad matapos ipagdiwang sa bansa ang Pasko at… Continue reading Daily departures, inaasahang tataas pagkatapos ng bagong taon ayon sa BI

Operasyon ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ng DSWD, tatapusin na bukas

Tatapusin na bukas, Disyembre 31 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang operasyon ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ngayong Kapaskuhan. Pero nilinaw ng DSWD na magtuloy-tuloy ang regular na Oplan Pag-Abot reach out operations sa National Capital Region. Bago ang huling araw ng Oplan Pag-Abot sa Pasko, naglibot pa sa Metro Manila ang… Continue reading Operasyon ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ng DSWD, tatapusin na bukas

Mga biktima ni Super Typhoon Odette sa Cebu, pinagkalooban ng cash assistance ng NHA

May 6,745 na pamilyang sinalanta noon ni Super Typhoon Odette sa lalawigan ng Cebu ang pinagkalooban ng cash assistance ng National Housing Authority. Ayon sa NHA, aabot sa kabuuang P67.45 milyong tulong pinansyal ang ipinagkaloob sa mga ito kamakailan. Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya. Kabilang… Continue reading Mga biktima ni Super Typhoon Odette sa Cebu, pinagkalooban ng cash assistance ng NHA

Higit 1,700 illegal firecrackers kumpiskado ng mga awtoridad sa Muntinlupa City

Tinatayang aabot sa 1,754 illegal firecrackers na ang nakukumpiska ng mga awtoridad sa Muntinlupa ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon. Ayon sa PNP Muntinlupa, Muntinlupa Traffic Management Bureau, at Public Order and Safety Office maliban sa mga illegal na paputok, nasa 239 naman ang apprehended sa operasyon ng Task Force Disiplina kaugnay ng… Continue reading Higit 1,700 illegal firecrackers kumpiskado ng mga awtoridad sa Muntinlupa City

Revenue collection ng LTO-NCR, tumaas ngayong taon sa P8.1-billion

Nahigitan na ng Land Transportation Office-National Capital Region ang kanilang revenue collection noong nakaraang taon. Ayon sa ulat ni LTO-NCR Financial Management Division Chief Annabelle Quevedo, mula sa P7.82-billion revenue collection noong taong 2022, tumaas na ito sa P8.1-billion ngayong taong 2023. Bunga nito, ipinag-utos ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III sa Management Committee… Continue reading Revenue collection ng LTO-NCR, tumaas ngayong taon sa P8.1-billion

Higit 170,000 pasahero, naitala ng PITX dalawang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon

Tinatayang aabot sa 170,189 ang kabuuang bilang ng mga taong gumamit o dumaan sa buong magdamag sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para humabol na makauwi sa kanilang mga mahal sa buhay dalawang araw bago ang bisperas ng bagong taon. Ito ay ayon sa inilabas na bilang ni PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa. Sa… Continue reading Higit 170,000 pasahero, naitala ng PITX dalawang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon

Iba’t ibang klase ng nakumpiskang iligal na paputok, sinira ng QCPD

Humigit kumulang P400,000 halaga ng ipinagbabawal na paputok ang sinira ng Quezon City Police District, isang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon. Pinangunahan ni QCPD District Director PBGeneral Redrico Maranan ang ceremonial distruction ng firecrackers sa Camp Karingal ground. Sinabi ni Maranan, lahat ng mga paputok ay nakumpiska dahil sa entrapment operation at pinaigting… Continue reading Iba’t ibang klase ng nakumpiskang iligal na paputok, sinira ng QCPD

DOH nagpaalala sa epektong dulot ng paputok sa pandinig

Mariing pinaaalahan ng Department of Health (DOH) na ang paggamit ng paputok ngayong pagsalubong ng bagong taon ay maaring mahantong sa pananakit at pinsala sa ating mga tainga. Ito ang naging paalala ng DOH matapos maisama sa mga bagong kaso ng paputok ang isang 23 taong gulang na babae mula sa Central Luzon ang nakaranas… Continue reading DOH nagpaalala sa epektong dulot ng paputok sa pandinig