Bagong taktika sa RoRe Mission, pinag-aaralan na ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng panibagong sistema sa isasagawang Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-staff General Romeo Brawner Jr matapos na personal na maransan ang panghaharass ng China nang magtungo siya sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong weekend.

Ayon kay Brawner, magpupulong sila ng National Task Force on West Philippine Sea, Task Force on Maritime Security at ni Defense Sec. Gilbert Teodoro upang pagplanuhan ang mga panibagong hakbang sa RORE mission.

Aniya, pag iisipan nilang maigi kung ano pang mga taktika ang kanilang ipatutupad sa gitna ng patuloy na pang-gigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas na lehitimong kumikilos sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Paliwanag ni Gen. Brawner, hindi lang problema ng Pilipinas ang agresibong pagkilos ng China sa West Phil. Sea, dahil dito dumadaan ang 60 porsyento ng pandaigdigang kalakalan at hindi maaring kontrolin ng iisang bansa ang karagatan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us