Inilunsad ng Ako Bicol Party-list ang isang programa para sa pinaigting na produksyon ng mais para sa animal feed.
Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, isa itong paraan para mapalakas pa ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Bicol Region.
Aniya, maliban sa pagtatanim ng palay ay maaari itong sabayan ng pagtatanim ng mais para sa animal feed pandagdag sa kanilang pinagkakakitaan.
Nasa halos 125 na mga magsasaka mula sa Polangui, Guinobatan, Ligao City, Oas, Camalig, Daraga, Tabaco City, Sto Domingo, at kalapit probinsya ng Sorsogon, Camarines Sur, at Camarines Norte ang nakibahagi sa konsultasyon na bahagi ng rekisitos ng Department of Agriculture para maisapinal ang proyekto.
Umaasa ang mambabatas na sa pamamagitan ng programang ito ay mas mapagbubuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa Bicol na maaari ding makabenepisyo ng mechanization at post harvest facility oras na makasama sa programa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes