DAR, sisikapin na magiging matagumpay ang pagpapatupad ng CARP sa BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinangako ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang mahigpit na pagtutulungan sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa rehiyon.

Pahayag ito ng kalihim matapos makabuo ng partnership ang Department of Agrarian Reform (CARP) at BARMM sa kauna-unahang pagkakataon mula nang ipatupad ang CARP Law noong 1988.

Sinabi ni Estrella may 103,344.58 ektarya ng agricultural lands ang available para sa distribution sa Basilan, Lanao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi at sa Special Geographic Areas.

Aabot sa 65,379 agrarian reform beneficiaries, 280 ARB organizations, at 110 agrarian reform communities ang inaasahang makikinabang sa programa.

Plano ni Estrella na makakuha ng karagdagang pondo para sa support services sa Bangsamoro region sa gaganaping Presidential Agrarian Reform Committee Convention sa 2024.

Nangangako rin ang kalihim ng higit pang mga proyektong pang-imprastraktura, makinarya at kagamitan sa sakahan, at agricultural inputs para sa mamamayan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us