DSWD, nakapaglaan na ng ₱57-M ayuda sa mga apektado ng Surigao del Sur quake

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng tumamang Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2.

Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit ₱57-million ang naipaabot nitong tulong sa higit 300 apektadong barangays sa CARAGA at Davao Region.

Kabilang rito ang family food packs at cash asssitance sa mga napinsala ang tahanan.

As of December 10 ay mayroon pang higit 700 pamilya o katumbas ng halos 3,000 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers dahil sa lindol.

Habang aabot na rin sa 370 ang bilang ng kabahayan na labis na napinsala habang 5,260 naman ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us