Nagkaloob ang Lex Leonum Fraternitas Foundation, kasama ang Globe, ng supplemental feeding at device support sa mga estudyante at guro ng Pagkakaisa Elementary School sa Biñan, Laguna kamakailan.
Ang LLF, na binubuo ng San Beda College of Law alumni members ng Lex Leonum, ay nagbigay ng supplemental meals para sa 1,500 estudyante sa public school, habang nag-donate ang Globe ng pitong laptops sa school faculty.
Ang feeding program ay isang regular outreach program ng LLF para mapagaan ang kalagayan ng mahihirap na esrudyante at ma-inspire sila na abutin ang kanilang mga pangarap at full potential. Hangad ng LLF na pangunahan ang aktibidad na ito nang sa gayon ay sumunod ang iba at mahikayat ang mga estudyante na pumasok sa eskuwela na walang iniisip na pagkagutom.
Samantala, ang Globe ay matagal nang masugid na taga-suporta ng edukasyon, kung saan itinutulak nito ang literacy bilang paraan para masugpo ang kahirapan at maisulong ang ligtas na online environment.
Sinabi ni Myrna Palma, Principal sa Pagkakaisa Elementary School, na ang laptops na ibinigay ng Globe ay ipamamahagi sa pitiong grade levels– mula Kindergarten hanggang Grade 6 — at ipagagamit sa mga guro na walang sariling computers.
Pinangunahan ni Froilan Castelo, Globe Group General Counsel at LLF chairman, ang aktibidad, kasama ang iba pang mga miyembro ng organisasyon: Atty. Jan Vitug, Atty. Miko Alivia at Atty. Allan Jocson, mga miyembro ng LLF Executive Committee; at Steve Naguiat, na kinatawan si Biñan City Rep. Marilyn Alonte.