Lider ng gun-for-hire at robbery gang, napatay sa engkwentro sa Cavite ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napatay ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang lider ng gun-for-hire at robbery gang sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite kaninang madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Gelbirth Albios Puerto, 30 taong gulang at residente ng Kaunlaran Horseshoe Drive, Cavite City, at lider ng “Bayawak at gun for hire group” sa Cavite.

Ayon sa ulat ni Quezon City Police District PBGEN Redrico Maranan, napatay sa engkwentro ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng QCPD, Cavite Provincial Intelligence Unit, Las Piñas City Police Station at Bacoor City Police Station si Puerto matapos ang isinagawang casing at surveillance laban sa isang
“BOSS BAY.”

Sakay ng kanyang Honda Click na walang plate number ang suspect ng maispatan ng mga pulis sa harap ng Nazareth Compound, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa halip sumuko, pinaputukan nito ang mga pulis hanggang siya ay mapatay.

Ang grupo ni Alias “Boss Bay,” ang responsable sa serye ng robbery hold-ups sa National Capital Region (NCR) at Region 4A na ang target ay mga SPA at convenience stores.

Na rekober ng pulisya sa pinangyarihang lugar ang isang (1) caliber .45 pistol, mga bala at ang gamit na kulay itim na Honda Click motorcycle.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us