Asahan pa ang mas mabigat na trapiko sa susunod na 2 weekend sa buwan ng Disyembre.
Ito ang binabala ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista.
Ayon MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, asahan na ang mabigat na trapiko simula ngayong araw, December 8 dahil sa long weekend bunsod ng pista ng Immaculate Conception na deklaradong special non-working day.
Ganito na rin ang asahan sa Disyembre 15 dahil bukod sa payday weekend at last minute Christmas shopping, dagsa na rin ang mga pupunta sa mga simbahan para dumalo ng Simbang Gabi.
Habang sa December 22 naman ay magsisimula nang bumiyahe ang mga uuwi ng mga probinsya para doon naman magdiwang ng Pasko.
Kasunod nito, nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya sa biyahe at mag-ingat sa mga lakad. | ulat ni Jaymark Dagala