Mga pasahero na pauwi ng probinsya ngayong bisperas ng Pasko, hindi na kasing dami kumpara kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na kasing dami ang dagsa ng pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City para makauwi ng probinsya ngayong umaga kumpara kahapon.

Bagama’t may mga naghahabol pang makauwi pero karamihan ay sa malalapit na lalawigan na lamang tulad ng Northern at Central Luzon at Southern Tagalog Region.

Sa 5 Star Bus Terminal, karamihan sa mga pasahero ay ngayong umaga lang dumating sa terminal para sa kanilang biyahe.

Tiniyak ng pamunuan ng bus terminal na lahat ay maisasakay hanggang sa pinakahuling pasaherong darating sa kanilang terminal ngayong araw.

Sa bahagi ng Jac Liner bus terminal, may pila pa rin ng mga pasahero pero kakaunti na lamang ito kumpara sa dagsa kahapon.

Patungo ang biyahe sa Quezon Province.

Payo naman ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na huwag mag-atubiling lumapit sa mga Passenger Help Desk kung may mga concern sila sa pagbiyahe.

Alinsunod sa OPLAN Bantay Biyahe Pasko 2023: nakataas na ang heightened alert status ngayong holiday season at pinatindi na ang visibility at monitoring sa mga bus terminal sa Metro Manila. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us