MIAA, nakapagtala ng 81% on-time performance rating sa lahat ng foreign at domestic flights sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 81% on-time performance rating ang naitala ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng foreign at domestic flights sa bansa.

Ayon kay MIAA General Manager Brian Co, ito’y sa kabila ng mga ginagawang pagsasaayos ng operasyon ng pangungahing airline companies gayundin ang airport operation ng apat na paliapran sa Metro Manila.

Sa naturang rating sa domestic flights, nangunguna ang Philippine Airlines (PAL) sa may pinakamataas na OTP rating na 84% at sinegundahan naman ito ng Cebu Pacific na nakapagtala ng 83% at pumangatlo ang Air Asia na nakapagtala ng 77%.

Sa international flights naman ay nanguna ang Ethiopian Airlines na nakapagtala ng 100% na grado base sa kanilang kabuuang 34 na flights sa bansa, sinegundahan naman ito ng Zip Air na nakapagtala 98% at nasa top 10 naman ang All Nippon Airways, Jeju Air, Air China, Kuwait Airways, Saudia, Etihad Airways, Singapore Airlines, at United Airlines. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us