NCRPO, magpapakalat ng mahigit 11,000 na tauhan sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsasagawa ng mga proactive na hakbang upang pangalagaan ang komunidad at tiyakin ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mga residente at bisita sa Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon Kay NCRPO Chief Director PMajor general Melencio Nartatez Jr., may kabuuang 11,414 na mga tauhan ang naka-deploy sa iba’t ibang aspeto ng operasyon, pandagdag ng presensya ng pulisya para sa agarang pagtugon sa emergency.

Nakakalat ang mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang mga lugar ng pagsamba, mga mall, pampublikong pamilihan, mga hub/ transport terminal at iba pang lugar.

Tinukoy ni Nartatesz ang partikular na tradisyonal na siyam na araw na misa ng Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16 at magtatapos sa Disyembre 24, o Bisperas ng Pasko.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng opisyal na ipatupad ang maximum police visibility sa paligid ng mga simbahan sa buong rehiyon.

Ito ay bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga taong magpupunta sa mga simbahan para dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us