Pagdedeklara ng State of Emergency sa Marawi, hindi inirerekomenda ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang dahilang nakikita ang Philippine National Police (PNP) para irekomenda ang pagdedeklara ng State of Emergency sa Mindanao.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo na ‘on top of the situation’ pa rin ang pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa bansa.

Ito’y kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong Linggo ng umaga na ikinasawi ng 4 na indibidwal at ikinasugat ng 50 iba pa.

Giit ni Fajardo, walang dapat na ikatakot ang publiko dahil ginagawa ng mga awtoridad ang lahat upang mapanagot ang mga salarin at para masigurong hindi na mangyari ang kahalintulad na insidente.

Sa ngayon, nag-deploy ng isang company mula sa Regional Mobile Force Battalion ang PNP habang nagpakalat din ng augmentation forces ang AFP sa nasabing rehiyon.

Pinaigting na rin ang police visibility at checkpoints.

Matatandaang May 2017 nang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao dahil sa sagupaan ng tropa ng pamahalaan at ng teroristang grupong Maute sa Marawi city na nagtapos noong December 2019. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us