Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatang pagdiriwang ng Pasko sa Quezon City.
Sinabi ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Redrico Maranan na walang naitala ang QCPD ng anumang ‘major untoward incident’ saan mang lugar sa buong lungsod.
May kabuuang 1,827 tauhan mula sa QCPD headquarters at mga istasyon ng pulisya ang ipinakalat sa mga lansangan at sa mga matataong lugar.
Kabilang dito ang mga transport terminal, palengke, mall, iba pang mga negosyo, at mga simbahan.
Kinilala ng QCPD Director ang suporta at pagsisikap ng local government unit, church authority, force multipliers, at iba pang stakeholders na nakipagtulungan sa pulisya.
Partikular sa mahigpit na pagbabantay sa lahat ng uri ng kriminalidad lalo na sa siyam na araw ng Simbang Gabi at Christmas Eve Mass.
Pakiusap pa ni General Maranan sa publiko na manatiling mapagbantay at alerto sa pag-iwas sa mga iligal na aktibidad. | ulat ni Rey Ferrer