PBBM: Panibagong harassment ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia, lalong magpapalakas sa determinasyon ng Pilipinas upang ipagtanggol ang soberenya nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas lalong umiigting ang determinasyon ng Pilipinas na ipagtanggol at protektahan ang soberanya at hurisdiksyon nito sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng panibagong harassment at provocation ng China Coast Guard at kanilang Chinese Maritime Militia laban sa M/L Kalayaan, BRP Cabra, at Unaizah Mae 1 na nagsagawa ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong weekend.

Sa post ng Pangulo sa social media, muli nitong iginiit na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at anoman aniyang pag-aangkin dito ay walang basehan at labag sa umiiral na international law.

Bahagi din aniya ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc at ang bansa ang may karapatan o may legal na batayan na magsagawa ng anomang aktibidad sa alinmang bahagi ng West Philippine Sea.

Idinagdag ng Pangulo na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng national security and defense ng bansa kasabay ng direktiba sa mga uniformed services na gawin ang kanilang misyon ng mas lalo pang may pag-iingat habang itinutuloy lang ang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Tiniyak din ng Pangulo sa tropa ng pamahalaan ang buo nitong suporta sa gitna ng panibagong harassment. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us