Naghatid ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa ating mga kababayan natin na stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Kabayan.
Ayon sa PRC, agad na rumesponde at namigay ng hot meals ang PRC Bohol Chapter sa mga na-stranded na pasahero sa Munisipalidad ng Ubay.
Naka-alerto at nakahanda na rin ang PRC sa anumang tulong at pagresponde na kakailanganin sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Nagpaalala naman ang PRC, na maaaring tumawag sa PRC Hotline 143 o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na chapter sa kanilang lugar sa oras ng emergency. | ulat ni Diane Lear