Quick Response Team ng LGU Buenavista sa Agusan del Norte Bumiyahi Para Iligtas at Sunduin ang nga Estudyante sa MSU matapos ang bombing incident

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang behikulo lulan ang Quick Response Team ng LGU Buenavista, Agusan del Norte ang bumiyahe para sunduin ang mga estudyante na nag-aaral sa Mindanao State University (MSU) matapos mangyari ang Marawi bombing.

Ayun kay Buenavista Mayor Joselito Roble, nakatanggap ito ng impormasyon na sinuspinde ang klase sa MSU at nagkukumahogang nga estudyante na makauwi.

Dahil sa sitwasyon nagkaubusan ng masasakyang pampublikong transportasyon ang nga estudyante kaya’t pinakilos nito ang quick response team upang maiuwi ang mga estudyanteng taga-Buenavista na nag-aaral sa MSU.

Napag-alaman na mayroon nang kontak sa iuuwing mga estudyante na susunduin sa Iligan City CDRRMO, bilang point of the rescue operations. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us