Nagtaas na ng red alert status epektibo alas-8 kagabi ang Office Civil Defense Northern Mindanao (OCD 10) bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong Kabayan.
Kasabay ng pagtataas ng alerto, pinagana na rin ng OCD 10 ang kanilang response clusters na tutugon sa mga posibleng emergency.
Sa ngayon, naka-preposition na ang mga kagamitan at mga team na sasaklolo sa mga maapektuhan ng bagyo.
Ayon sa OCD 10, sasabayan naman nila ng agresibong pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng latest advisories, preparedness measures, at latest situation ang pananalasa ng bagyo para sa kapakanan ng publiko.
Nabatid na una nang nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang OCD 10 para sa bagyong Kabayan.
Pinangunahan ito ni OCD 10 Regional Director Antonio Sugarol kasama ang NorMin PDRA Core Group Member-Agencies at Local Disaster Risk Reduction and Management Council ng Region 10. | ulat ni Leo Sarne
: OCD