Aminado si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na maraming istruktura sa kanilang probinsya ang nasira matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Karamihan aniya dito ay mga barung-barong na bahay at covered court.
Kasalukuyan din aniya nilang inaalam kung may casualty dahil sa pag-yanig.
Susubukan naman aniya niya kausapin si Speaker Martin Romualdez kung paano mapopondohan ang rehabilitasyon ng mga nasira sa kanilang probinsya.
Susubukan aniya niyang mapakaiusapan na maihabol pa ito sa panukalang 2024 national budget na kasalukuyan nang nakasalang sa bicam.| ulat ni Kathleen Jean Forbes