Inulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nanatiling mapayapa ang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at ilang local chapter ng PISTON.
Ayon kay Col. Fajardo, walang na-monitor ang PNP na anumang seryosong insidente na may kinalaman sa tigil-pasada sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ikinalugod naman ng opisyal ang pagsunod ng naturang transport groups sa mga unang napagkasunduan kaugnay ng kanilang mga programa at aktibidad.
Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na mananatiling nakabantay ang PNP hanggang sa pagtatapos ng strike sa December 31.
Nananatili rin aniyang nakahanda ang mobile assets ng PNP na magbigay ng libreng sakay. | ulat ni Leo Sarne