VP Sara, hinimok ang mga PDL na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga Person Deprived of Liberty o PDLs sa Metro Bacolod District Jail sa Bacolod City, Negros Occidental.

Doon, binisita ng Pangalawang Pangulo ang Male at Female Dormitory kung saan, ipinaabot nito ang mensahe ng pagmamahal at pagpapatawad mula sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Inatasan din ng Pangalawang Pangulo ang kanilang Satellite Lead Office doon, para bigyan ng abogado ang mga PDL upang sila’y matulungan sa kanilang mga kaso at makapag-apply ng clemency sa pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan din si VP Sara sa mga PDL na ipaunawa sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon gayundin ang pagtatapos ng pag-aaral na aniya’y mainam na sandata sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Hinikayat din ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang mga PDL na hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral na ipagpatuloy ito sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education (DepEd).

Layon nito na mabigyan ang mga PDL ng pagkakataon na makapagbagong buhay, bitbit ang kanilang karanasan sa sandaling sila’y makalaya at para magkaroon ng mas malaking oportunidad pagsapit ng pinakamasayang araw ng kanilang buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us