VP Sara, ipinag-utos ang pagpapatupad ng blended learning sa lahat ng lugar na apektado ng lindol sa Sugrigao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na magpatupad ng Blended Learning sa lahat ng Department of Education (DepEd) Regional Offices na apektado ng 7.4 magnitude na lindol sa Surigao del Sur.

Sa pahayag na inilabas ng pangalawang pangulo sa kanyang Facebook page, ang nasabing kautusan ay hakban upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at mga kawani ng DepEd.

Ayon kay VP Sara na importante na masiguro na ligtas ang mga ito sa peligro at agad matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga  bata at mga may edad.

Dagdag nito na nakikipagtulungan na rin ang kanyang opisina sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa stress debriefing para sa mga bata na mayroong dinaramdam na anxiety dahil sa lindol.

Kaugnay din nito, na pinaalalahanan niya ang lahat ng mga principal at school head sa buong bansa sa Department Order 53 S. 2022  ng DepEd — o ang Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drills in Schools.

Paliwanag ni VP Sara na mahalaga na masanay ang mga learners sa mga dapat na gagawin panahon ng lindol at iba pang trahedya at kalamidad.

Dagdag nito na sa paulit-ulit na drills, matututunan nila ang halaga ng presence of mind o pag-iwas na mataranta. Ang drills ang magliligtas sa kanila sa matinding epekto ng mga trahedya.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us