MMDA at MTPB, nagsagawa ng joint clearing operations sa mga ruta ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno

Photo courtesy of MMDA

Nagsanib puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isinagawang clearing operation sa mga ruta ng Translacion ng Poong Itim na Nazareno sa Maynila. Ito ay upang matiyak na walang sagabal sa dadaanan ng Traslacion kung saan inaasahang dadagsa ang mga deboto. Umabot sa 58 mga sasakyan na… Continue reading MMDA at MTPB, nagsagawa ng joint clearing operations sa mga ruta ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno

Sen. Loren Legarda, hinihikayat ang pag-iwas sa paggamit ng single-use plastics

Bilang paggunita sa Zero Waste Month, hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang publiko na iwasan ang patuloy na paggamit ng single-use plastics at mas maging maingat sa pagtatapon ng basura. Ipinaliwanag ni Legarda, na kailangang itulak ang ating mga sarili na mamuhay nang mas sustainable dahil ang mga plastic ay gumagamit ng… Continue reading Sen. Loren Legarda, hinihikayat ang pag-iwas sa paggamit ng single-use plastics

₱50 na pasahe sa modern jeep imposible — LTFRB

Atty. Teofilo E. Guadiz III LTFRB chairperson answers the Questions during a media press conference regarding the fare matrix of the EDSA bus carousel, the ticketing system and updates on the public's land transportationjim in metro Manila...MANNY PALMERO

Pinawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba ng publiko sa posibilidad na umabot sa P50 ang pagtaas ng pasahe sa modern jeepney. Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan. Paliwanag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na “statistics impossible” ang pagtaya na ginawa ng… Continue reading ₱50 na pasahe sa modern jeep imposible — LTFRB

MMDA,, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway sa bahagi ng Cubao Northbound

Muling nagsagawa ng operasyon sa EDSA Busway ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group Strike Force partikular sa pag-akyat ng tunnel sa Cubao Northbound. Simula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi, pumalo sa mahigit 40 na mga sasakyan ang nahuli ng MMDA dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway. Karamihan sa… Continue reading MMDA,, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway sa bahagi ng Cubao Northbound

CHED, nakahandang makipagpulong sa mga education stakeholder kaugnay sa pagpapatigil ng SHS program sa SUCs

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na nakahanda itong makipagpulong at makipagtulungan sa mga education stakeholder kaugnay sa pahayag nito na ipinatitigil na ang Senior High School (SHS) program sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs). Ginawa ni CHED Chairperson Prospero De Vera ang pahayag kasunod ng panawagan ng… Continue reading CHED, nakahandang makipagpulong sa mga education stakeholder kaugnay sa pagpapatigil ng SHS program sa SUCs

Mataas na Kapulungan, handang suportahan ang anumang hakbang para maalis ang Pilipinas sa gray list ng FAFT — mambabatas

Giniit ni Senadora Imee Marcos na handa ang mga senador na suportahan ang anumang corrective legislation na kailangan para matanggal ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force (FATF). Pinunto ng senadora na noong June 2021 ay pinuna ng FATF ang isyu ng money laundering mula sa casino junkets at kawalan ng prosecution… Continue reading Mataas na Kapulungan, handang suportahan ang anumang hakbang para maalis ang Pilipinas sa gray list ng FAFT — mambabatas

Senate inquiry tungkol sa power interruption sa Panay Island, isusulong ng ilang senador

Nakatakdang maghain ng resolusyon ang ilang mga senador para maimbestigahan at mapanagot ang mga nasa likod ng power outage sa Panay Island. Kabilang na dito si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo na sinabing nakakabahala ang kalbaryong dinadanas ng mga residente ng Panay na apektado ang pamumuhay dahil sa power outage. Kaugnay nito,… Continue reading Senate inquiry tungkol sa power interruption sa Panay Island, isusulong ng ilang senador

3 port projects na itatayo sa Northern Samar, makatutulong na mapabuti ang ekonomiya sa lalawigan — DOTr

Lumagda sa kasunduan ang Department of Transportation (DOTr), Provincial Government ng Northern Samar, at Local Government ng Mapanas para sa konstruksyon ng port projects sa tatlong lugar sa naturang lalawigan. Ayon kay Transportation Undersecretary for Maritime Elmer Francisco Sarmiento, ang nasabing proyekto ay makatutulong na mapabuti ang ekonomiya sa Northern Samar at makatutulong na makonekta… Continue reading 3 port projects na itatayo sa Northern Samar, makatutulong na mapabuti ang ekonomiya sa lalawigan — DOTr

Peace and development effort ng DSWD, palalakasin ngayong 2024

Paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programa nito na ‘Buong Bansa Mapayapa’ (BBM) na naglalayong suportahan ang layunin ng pamahalaan para sa pangkalahatang kapayapaan sa bansa. Ayon kay DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay ang pagtatatag ng ‘Buong Bansa Mapayapa’ o BBM peace and development program ay… Continue reading Peace and development effort ng DSWD, palalakasin ngayong 2024

Kadiwa store sa Las Piñas, muling aarangkada

Muling aarangkada bukas ,araw ng Biyernes ang mga Kadiwa store sa Las Piñas City. Ayon sa Las Piñas City Agriculture Office, matatagpuan ito sa mismong city hall na magbubukas ng alas-7 ng umaga at magsasara ng alas-5 ng hapon. Mayroon din sa Southland Estate sa Brgy. Talon Uno na magbubukas naman ng alas-6 ng umaga… Continue reading Kadiwa store sa Las Piñas, muling aarangkada