Parañaque solon, nais magkaroon ng motorcycle first responders ang mga ospital sa bansa

Ipinapanukala ngayon ni Parañaque Representative Gus Tambunting na magkaroon ang lahat ng ospital sa bansa ng motorcycle medical emergency first responders. Ipinunto ng mambabatas sa kaniyang House Bill 9253 o Motorcycle Medical Emergency First Responders Act, ang kahalagahan ng mabilis na pagresponde sa mga emergency para makapagsalba ng buhay. Ngunit sa kasalukuyan, hamon ngayon sa… Continue reading Parañaque solon, nais magkaroon ng motorcycle first responders ang mga ospital sa bansa

AFP, walang nakikitang masama sa pagbuntot ng mga barko ng China sa ongoing joint patrol ng Pilipinas at US sa West PH Sea

Basta’t hindi magsagawa ng mapanganib na pagkilos ang mga barko ng China, walang nakikitang masama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuntot ng dalawang Chinese warship sa ongoing na joint patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, kasabay… Continue reading AFP, walang nakikitang masama sa pagbuntot ng mga barko ng China sa ongoing joint patrol ng Pilipinas at US sa West PH Sea

Finance Sec. Diokno, hiningi ang suporta at kooperasyon ng lahat ng MIC Board of Directors

Umaasa si Finance Secretary Benjamin Diokno para sa kooperasyon at suporta ng lahat ng bumubuo ng Maharlika Investment Corporation (MIC). Ito ang mensahe ni Diokno sa kauna-unahang board meeting ng MIC na ginanap kamakailan. Ayon kay Diokno, ngayong taon ay inaasahang magiging fully operational ang MIF na siyang magtutulak sa paglago ng bansa. Diin ng… Continue reading Finance Sec. Diokno, hiningi ang suporta at kooperasyon ng lahat ng MIC Board of Directors

Paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa 5 batas na magtatatag ng bagong Medical Colleges, ipinagpasalamat ng House Panel Chair

Ikinalugod ni House Committee on Higher and Technical Education Chair at Baguio Representative Mark Go ang tuluyang pagsasabatas ng limang panukala na magtatatag ng bagong medical colleges sa iba’t ibang state universities sa bansa. Kamakailan lang nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11970 na magbubukas ng College of Medicine… Continue reading Paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa 5 batas na magtatatag ng bagong Medical Colleges, ipinagpasalamat ng House Panel Chair

NGCP, puspusan ang ginagawang power restoration activities sa mga planta sa Isla ng Panay

Patuloy ang ginagawang power restoration activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga planta sa Isla ng Panay upang tuluyan nang maibalik ang suplay ng kuryente sa Western Visayas. Kasunod ito na nangyaring malawakang brownout sa lugar matapos na ang tripping ng mga power plant at maintenance shutdown. Batay sa pinakahuling ulat… Continue reading NGCP, puspusan ang ginagawang power restoration activities sa mga planta sa Isla ng Panay

2 barkong pandigma ng China hinamon ng joint maritime patrol ng Pilipinas at US

Limang beses nagpadala ng radio challenge ang BRP Ramon Alcaraz (PS-16) sa dalawang barkong pandigma ng China, na namataan ng Joint Maritime Patrol ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea. Ayon kay Lieutenant Commander Christopher Calvo, Acting Commanding Officer ng BRP Ramon Alcaraz, namataan ang dalawang… Continue reading 2 barkong pandigma ng China hinamon ng joint maritime patrol ng Pilipinas at US

Power restoration sa Panay Island, inaasahang makukumpleto na

Umaasa ang Energy Regulatory Commission (ERC) na makababalik nang ganap ang suplay ng kuryente sa buong isla ng Panay ngayong hapon. Sa isang panayam, sinabi ni ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta na hinihintay na lamang nila sa ngayon na maging online ang planta ng Palm Concepcion Power Corporation (PCPC). Batay kasi sa ulat ng National… Continue reading Power restoration sa Panay Island, inaasahang makukumpleto na

Bidding para sa interim 660 megawatts na kuryente, sisimulan na ng MERALCO

Sinimulan na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang Competitive Selection Process o bidding para sa 660 megawatts interim Power Supply Agreement (PSA). Ito ayon sa MERALCO ay bilang paghahanda na rin para sa inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente sa panahon ng tag-init Ayon sa MERALCO, ginawa nila ang hakbang matapos magpalabas ng Certificate of… Continue reading Bidding para sa interim 660 megawatts na kuryente, sisimulan na ng MERALCO

DA Sec. Laurel, nagpatupad ng reassignment sa ilang opisyal ng Department of Agriculture

Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang revamp sa ilang posisyon sa Department of Agriculture. Ayon sa DA, nag-isyu ng serye ng special orders ang kalihim para sa reassignment ng ilang DA officials. Kabilang dito si Senior Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na itinalagang adviser to the secretary bilang miyembro ng Secretary Technical… Continue reading DA Sec. Laurel, nagpatupad ng reassignment sa ilang opisyal ng Department of Agriculture

Mga kamag-anak ng sanggol na natagpuan sa isang creek sa Antipolo, tinutunton na

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Antipolo City PNP para matunton ang mga kamag-anakan ng isang sanggol na natagpuang wala nang buhay. Ito’y matapos makita ang naturang sanggol sa isang creek sa Brgy. Dela Paz sa nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ng Antipolo PNP, gabi ng Enero 2 nang matagpuan ng mga rescuer ang… Continue reading Mga kamag-anak ng sanggol na natagpuan sa isang creek sa Antipolo, tinutunton na