Over supply ng mga gulay mula Benguet, bagsak-presyong ibinebenta sa isang tindahan sa Provident Village, Marikina City

Limang toneladang gulay katulad ng repolyo, pechay baguio, at labanos ang ibinagsak ng mga magsasaka mula sa Benguet sa isang tindahan sa St. Mary Avenue, Provident Village sa Marikina City. Ayon kay Lynette Bernado, may-ari ng sari-sari store, nakiusap sa kaniya ang ilang kaibigan na mga magsasaka na saluhin ang mga gulay dahil bigo itong… Continue reading Over supply ng mga gulay mula Benguet, bagsak-presyong ibinebenta sa isang tindahan sa Provident Village, Marikina City

DA, pinulong ang Regional Fisheries Councils; Mga plano sa pagpapalakas sa industriya ng pangisdaan, tinukoy

Pinulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang regional fisheries councils upang matukoy ang mga hamon na kinakaharap sa produksyon ng isda at iba pang aquatic resources. Iba-iba ang sumulpot na rekomendasyon ng mga Regional fisheries Council sa mga istratehiya sa pagpapaunlad ng fisheries sector. Kabilang sa mga naging mungkahi ay ang paglikha ng… Continue reading DA, pinulong ang Regional Fisheries Councils; Mga plano sa pagpapalakas sa industriya ng pangisdaan, tinukoy

Dibidendo mula sa GOCC nitong 2023, umaabot sa P99.98 billion

Nakakolekta ang gobyerno ng P99.98 billion na dibidendo mula mga Government -Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa taong 2023. Ayon kay Finance Secretary at Governance Commission for GOCC member Benjamin Diokno ang mataas na dividend collection ay resulta ng fiscal discipline na ipinaalala ng Department of Finance (DOF) sa mga GOCC. Malaking tulong aniya ito… Continue reading Dibidendo mula sa GOCC nitong 2023, umaabot sa P99.98 billion

Pagbuo ng blacklisting committee ng DA, pinuri ni Sen. Chiz Escudero

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Welcome para kay Senador Chiz Escudero ang binuong blacklisting committee ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Escudero, ang hakbang na ito ay sang-ayon sa anti-corruption campaign ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at sa mga repormang nais nitong gawin sa ahensya. Umaasa ang senador, na sa tulong ng binuong komite ay tunay na… Continue reading Pagbuo ng blacklisting committee ng DA, pinuri ni Sen. Chiz Escudero

Gun ban at liquor ban, ipinatupad simula ngayong araw sa Maynila para sa Traslacion 2024

Sinimulang ipatupad kaninang alas-7 ng umaga ang suspensyon ng permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa syudad ng Maynila bilang bahagi ng seguridad para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang gun ban… Continue reading Gun ban at liquor ban, ipinatupad simula ngayong araw sa Maynila para sa Traslacion 2024

Pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, pinalawig

Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival Committee na palawigin pa ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF. Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairperson at concurrent MMFF Chairperson, Atty. Don Artes bilang tugon sa kahilingan ng publiko. Ayon kay Artes, isang linggong extended ang pagpapalabas ng 10 mga pelikulang… Continue reading Pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, pinalawig

Mahigit 1k pulis mula sa QCPD, ideneploy sa traslacion ng Itim na Nazareno

Abot sa 1,500 tauhan ng Quezon City Police District ang idineploy sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila. Pinangunahan ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang send-off ceremony para sa Nazareno 2024 sa Quirino Grandstand sa Maynila. Kasama ang QCPD personnel ng mga pulis Maynila at iba pang augmentation mula sa mga police district… Continue reading Mahigit 1k pulis mula sa QCPD, ideneploy sa traslacion ng Itim na Nazareno

Paglalabas ng P3-billion budget para sa rehabilitasyon ng school buildings, aprubado na ng pamahalaan

Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng P3. 049 billion na budget para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga elementary at secondary school building sa bansa. Ayon sa kalihim, layon naman talaga ng pamahalaan na mapaigting pa ang kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino at mabigyan ang mga ito ng kinakailangang kagamitan,… Continue reading Paglalabas ng P3-billion budget para sa rehabilitasyon ng school buildings, aprubado na ng pamahalaan

Resolusyon para imbestigasyon ang prangkisa ng NGCP, pormal na inihain ni Rep. Marcos

Pormal na naghain ng resolusyon si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos para paimbestigahan ang nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas noong Enero 2. Sa kaniyang House Resolution 1534, sinabi ni Marcos na bahagi ng imbestigasyon sa naturang insidente ay ang pagrepaso sa prangkisa ng National Grid… Continue reading Resolusyon para imbestigasyon ang prangkisa ng NGCP, pormal na inihain ni Rep. Marcos

Pag-aangkat ng modern jeep mula China, di sinang-ayunan ni Sen. Raffy Tulfo

Inalmahan ni Senador Raffy Tulfo ang pag-aangkat ng modern units ng jeepney mula sa China, na siyang ipampapalit sa mga lumang pampasaherong jeep ng Pilipinas bilang parte ng PUV Modernization Program.  Binigyang diin ni Tulfo, na kaya naman ng isang local jeepney manufacturer na gumawa ng isang de-kalidad na modern jeep sa mas mababang halaga. … Continue reading Pag-aangkat ng modern jeep mula China, di sinang-ayunan ni Sen. Raffy Tulfo