“No Registration, No Travel” policy at Anti-Colorum Ops, mahigpit nang ipinatutupad sa MIMAROPA

Umaarangkada na sa iba’t ibang lugar sa bansa ang pinahigpit na kampanya ng Land Transportation Office na “No Registration, No Travel” policy at Anti-Colorum Operations. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, abot sa 18 motorsiklo ang na-impound sa isinagawang enforcement activity sa MIMAROPA kahapon. Kabuuang 112 Temporary Operator’s Permit (TOP) ang inisyu sa panahon ng… Continue reading “No Registration, No Travel” policy at Anti-Colorum Ops, mahigpit nang ipinatutupad sa MIMAROPA

Navotas LGU, magbubukas ng Mega Job Fair bukas, Enero 11

Ilulunsad bukas ng Navotas City government ang Mega Job Fair sa Navotas Sports Complex kasabay ng pagdiriwang ng ika-118 Navotas Day. Sa abiso ng LGU, katuwang sa programang ito ang partner companies at magbubukas ng oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho. Hindi bababa sa 45 kumpanya ang kalahok sa job fair at simulang tatanggap… Continue reading Navotas LGU, magbubukas ng Mega Job Fair bukas, Enero 11

Insidente ng pananambang sa isang education supervisor sa Sultan Kudarat, kinondena ng DepEd

Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) ang nangyaring pamamaril sa Education Program Supervisor ng Isulan Central School sa Sultan Kudarat. Batay sa ulat na ipinarating sa DepEd, kasama ng naturang kawani ng Kagawaran ang kaniyang asawa sa loob ng sasakyan nang mangyari ang pag-atake ng mga salaring sakay ng motorsiklo. Sa isinalabas na pahayag… Continue reading Insidente ng pananambang sa isang education supervisor sa Sultan Kudarat, kinondena ng DepEd

Maayos sa economic policy na ipinatupad ni PBBM, nagresulta sa pagbaba sa unemployment rate

Tinukoy ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na malaki ang naitulong ng maayos na economic policies ng Marcos Jr. administration para mapababa ang unemployment rate ng bansa. Ito ang sinabi ng mambabatas matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na mula sa 4.2 percent unemployment rate noong Oktubre at bumaba ito sa 3.6 percent… Continue reading Maayos sa economic policy na ipinatupad ni PBBM, nagresulta sa pagbaba sa unemployment rate

Bilang ng mga napagsilbihan ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng Traslacion, nasa mahigit 700

Itinuturing na matagumpay ng Philippine Red Cross ang kanilang isinagawang operasyon kaugnay ng makasaysayang pagbabalik ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa taong ito. Ayon kay PRC Secretary General, Dr. Gwen Pang, hindi matatawaran ang ipinakitang tapang, sipag at debosyon ng kanilang mga volunteer at staff na ilang linggong naghanda para sa okasyon. Sa kabuuan,… Continue reading Bilang ng mga napagsilbihan ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng Traslacion, nasa mahigit 700

Kasong terorismo, isinampa na ng DOJ sa 11 miyembro ng NPA na umambush sa mga sundalo sa Occidental Mindoro

Kinasuhan na sa korte ang 11 indibidwal na pawang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army dahil sa ginawa nitong pag-ambush sa mga tropa ng militar sa Occidental Mindoro noong nakaraang taon. Sa resolution ng DOJ, nakitaan nila ng probable cause para kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Terrorism… Continue reading Kasong terorismo, isinampa na ng DOJ sa 11 miyembro ng NPA na umambush sa mga sundalo sa Occidental Mindoro

Teacher solon, ipinanawagan na i-nationalize ang power industry matapos ang nangyaring blackout sa Panay

Nanawagan si House Deputy Minority leader at ACT Teacher party-list Rep. France Castro na i-nationalize na ang buong power industry kaysa umasa sa pribadong sektor. Ayon sa mambabatas, kita lang kasi ang habol ng pribadong energy sector. Aniya, ang nangyaring pagpalya ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) Unit 1 at 2 at ng Palm Concepcion… Continue reading Teacher solon, ipinanawagan na i-nationalize ang power industry matapos ang nangyaring blackout sa Panay

Cyber incidents na natugunan ng DICT noong 2023, umabot sa higit 1,800

Patuloy na pinaiigting ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang hakbang nito para matugunan ang mga insidente ng cyber attack sa bansa. Batay sa pinakahuling tala nito, aabot sa 1,834 cyber incidents ang naaksyunan ng DICT, sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT). Mas mataas ito ng 66.44% kumpara sa… Continue reading Cyber incidents na natugunan ng DICT noong 2023, umabot sa higit 1,800

Pagpasa ng mga mahahalagang batas para palakasin ang labor sector, iginiit ng NEDA

Mahalagang makapagpasa ng mga kinakailangang batas na layong palakasin ang mga Pilipinong manggagawa. Binigyang-diin ito ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa harap ng pagbaba ng unemployment rate sa bansa. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, panahon na upang buksan ang formal economy para sa part-time at alternative work arrangements. Ilan lamang sa mga… Continue reading Pagpasa ng mga mahahalagang batas para palakasin ang labor sector, iginiit ng NEDA

PNP, nagsagawa ng New Year’s call ngayong araw

Nagtitipon ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame para sa tradisyonal na New Year’s Call. Kasamang dumating ng maaga ang mga opisyal ng PNP ang kanilang asawa sa pagdalo sa taunang tradisyon sa hanay ng Pambansang Pulisya. Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang… Continue reading PNP, nagsagawa ng New Year’s call ngayong araw