Mahigit 4.3k pamilya sa rehiyon 2, nagtapos sa 4Ps

Mahigit apat na libong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa rehiyon dos ang matagumpay na nagtapos mula sa programa noong 2023. Base sa datos ng DSWD Region 2, nasa kabuuang 4,333 na pamilya ang nagtapos sa isinagawang 50 graduation ceremonies na tinaguriang “Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya” sa buong rehiyon. Buong pagmamalaking… Continue reading Mahigit 4.3k pamilya sa rehiyon 2, nagtapos sa 4Ps

Mga senior citizen sa Navotas, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift mula sa LGU

Simula ngayong 2024 ay makakatanggap na ang rehistradong senior citizens sa Navotas City ng ₱1,000 birthday gift. Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na alinsunod sa Navotas City Ordinance No. 2023-44 o ang “Amended Birthday Cash Gift to Senior Citizens.” Ayon sa alkalde, ang hakbang ay bilang pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga senior… Continue reading Mga senior citizen sa Navotas, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift mula sa LGU

Resulta ng foreign trips ni PBBM, tuloy-tuloy na nararamdaman sa gitna ng sunod-sunod ng pagsisimula ng operasyon sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan

Tuloy-tuloy na inaani ng bansa ang bunga ng mga naging biyahe sa abroad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Communications Kim Bernardo Lokin na mayroon nang 20 mga proyekto mula sa dating investment pledges ang nagparehistro sa investment promotions agencies ng… Continue reading Resulta ng foreign trips ni PBBM, tuloy-tuloy na nararamdaman sa gitna ng sunod-sunod ng pagsisimula ng operasyon sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan

Pagpapalakas sa manufacturing sector at pagpasok ng foreign investment, lalo pang makapagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino — isang mambabatas

Welcome para kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang naitalang pagbaba sa unemployment rate. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba pa sa 3.6% ang unemployment rate nitong Nobyembre ng 2023 mula sa 4.2% noong Oktubre. Aniya ito na ang pinakamababang unemployment rate mula noong April 2005. Partikular… Continue reading Pagpapalakas sa manufacturing sector at pagpasok ng foreign investment, lalo pang makapagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino — isang mambabatas

Senate Inquiry tungkol sa naranasang power outage sa Panay Island, gagawin ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ang pagdinig ng Senado tungkol sa nangyaring blackout sa Panay Island. Nakatakda ngayong ala-una ng hapon ang pagdinig na gagawin ng Senate Committee on Energy ni Senador Raffy Tulfo tungkol sa naranasang power outage ng Panay Island. Matatandaang ilang senador ang naghain ng resolusyon tungkol sa malawakang kawalan ng kuryente na… Continue reading Senate Inquiry tungkol sa naranasang power outage sa Panay Island, gagawin ngayong araw

Mataas na COVID positivity rate, naitala sa CamSur at Aklan — OCTA

Sa gitna ng pagbaba ng COVID cases sa National Capital Region (NCR), tumataas naman ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa ilang lalawigan kabilang ang Camarines Sur at Aklan. Ayon sa OCTA Research Group, umakyat sa kategoryang “very high” ang 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19… Continue reading Mataas na COVID positivity rate, naitala sa CamSur at Aklan — OCTA

Murang pechay Baguio mula Benguet, alok sa ADC Kadiwa store

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na tangkilikin ang mga bagong aning gulay na mula sa mga magsasaka sa Benguet. Mabibili na kasi ang murang wombok o pechay Baguio sa ADC Kadiwa Store na matatagpuan sa tanggapan ng Department of Agriculture, sa Quezon City. Ayon sa DA-AMAS, isang trak ng pechay Baguio… Continue reading Murang pechay Baguio mula Benguet, alok sa ADC Kadiwa store

Loyalty check sa hanay ng Pambansang Pulisya, di kailangan — PNP Chief

Walang nakikitang pangangailangan si Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. para magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay. Ito’y makaraang personal na ireklamo ng PNP Chief ang retired Army General at Vlogger na si Johnny Macanas dahil sa pagdadawit sa kaniya gayundin kay AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa… Continue reading Loyalty check sa hanay ng Pambansang Pulisya, di kailangan — PNP Chief

Kabuuan ng Traslacion 2024, pangkalahatang naging mapayapa — PNP; prusisyon ng Itim na Nazareno, mas maikli kaysa noong 2020

Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdaraos ng makasaysayang pagbabalik ng Traslacion ng Itim na Nazareno para sa taong 2024. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) sa kabila ng mga naitalang kaso ng pagkakasakit gayundin ng pagkasugat ng ilang mga deboto at iba pa sa kasagsagan ng prusisyon. Ayon kay Public Information Office Chief, Police… Continue reading Kabuuan ng Traslacion 2024, pangkalahatang naging mapayapa — PNP; prusisyon ng Itim na Nazareno, mas maikli kaysa noong 2020

Philippine Army Women’s Chess Grandmaster, lalaban sa 2024 World Chess Olympiad

Makakasama sa Philippine Contingent na lalahok sa 2024 World Chess Olympiad si Philippine Army Women’s Chess Grandmaster Private First Class Janelle Frayna. Ito’y matapos niyang makamit ang ikatlong pwesto sa Philippine National Open Chess Championship na isinagawa sa Marikina Community Convention Center mula January 3 hanggang 7. Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief… Continue reading Philippine Army Women’s Chess Grandmaster, lalaban sa 2024 World Chess Olympiad