DA, may nakalarga nang Solar Irrigation Project bilang tugon sa El Niño

Ngayong inaasahang titindi pa ang epekto ng El Niño sa bansa, tuloy-tuloy rin ang ginagawang intervention ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang posibleng maging impact nito sa sektor ng pagsasaka. Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, kasama sa minamadali na ng pamahalaan ang Solar Irrigation Project para sa mga sakahan. May inisyal… Continue reading DA, may nakalarga nang Solar Irrigation Project bilang tugon sa El Niño

Pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur, naglabas ng memorandum sa lahat ng mga mayor sa lalawigan na magsuspende ng klase kung kailangan dahil sa sama ng panahon

Naglabas ng Memorandum Order no. 018-2024 ngayong umaga si Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel sa lahat ng municipal mayors ng lalawigan na maging handa at alerto dahil sa masamang panahon na nararanasan ngayon at batay sa inilabas na Orange Rainfall Warning at General Flood Advisory mula sa PAGASA. Kaugnay sa nasabing memorandum ay nasa… Continue reading Pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur, naglabas ng memorandum sa lahat ng mga mayor sa lalawigan na magsuspende ng klase kung kailangan dahil sa sama ng panahon

Mahigit 300 na pamilya, apektado ng pagbaha sa Davao de Oro

Aabot na sa higit tatlong daang pamilya ang apektado sa pagbaha sa Davao de Oro  na dulot ng walang tigil na pag-ulan simula kahapon. Batay sa report ng Office of Civil Defense XI, nasa 329 na pamilya na ang naitalang inilikas sa probinsya, kung saan pinaka-maraming apektado ay sa bayan ng Nabunturan na may 207… Continue reading Mahigit 300 na pamilya, apektado ng pagbaha sa Davao de Oro

Lokal na pamahalaan ng Zamboanga, naglaan ng P51M pondo para sa sektor ng agrikultura ngayong 2024

Naglaan ng kabuuang P51-M pondo ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga para suportahan ang mga plano at programa ng mga magsasaka’t mangingisda ng lungsod ngayong taong 2024. Ayon kay Acting City Agriculturist Arben Magdugo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaaan ng malaking pondo ang naturang tanggapan sa loob ng 17 taon para sa sektor ng… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Zamboanga, naglaan ng P51M pondo para sa sektor ng agrikultura ngayong 2024

DA, magtatayo ng karagdagang cold storage facilities sa 4 na lugar sa bansa

Tina-target ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng karagdagang cold storage facilities para matugunan ang kadalasang hamon ng overproduction at post-harvest losses. Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, isa ito sa prayoridad ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ngayong 2024. Aniya, may ilalaang isang bilyong pisong budget ang DA para sa network ng… Continue reading DA, magtatayo ng karagdagang cold storage facilities sa 4 na lugar sa bansa

5 NCR Mayors, may pinakamataas na job performance rating sa RPMD 2023 Annual Report

Limang alkalde ang magkakahanay bilang top performing National Capital Region (NCR) city mayors, batay yan sa independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Batay sa inilabas nitong 2023 Annual Report, kinilalang pinakamahuhusay sina Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 91.2% rating; Malabon Mayor Jeannie Sandoval na nakakuha ng 90.5%; Navotas… Continue reading 5 NCR Mayors, may pinakamataas na job performance rating sa RPMD 2023 Annual Report

QCPD, nag-isyu na ng public apology sa pamilya Gibbs

Pormal nang humingi ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamilya Gibbs kaugnay ng hindi awtorisadong pagkalat ng video ng yumaong artista na si Ronaldo Valdez noong Disyembre. Ito’y matapos hilingin sa isang pulong balitaan ng anak ni Valdez at kilalang singer na si Janno Gibbs ang public apology ng pulisya dahil sa… Continue reading QCPD, nag-isyu na ng public apology sa pamilya Gibbs

Klase sa ilang bayan ng Davao de Oro, suspendido dahil sa walang tigil na ulan

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa ilang bayan ng Davao de Oro dahil sa walang tigil na ulan bunsod ng shear line. Una na nang binigyan ng pahintulot ni Davao de Oro, Gov. Dorothy P. Montejo- Gonzaga ang local chief executives na magdeklara ng suspension ng klase at trabaho dahil sa epekto ng… Continue reading Klase sa ilang bayan ng Davao de Oro, suspendido dahil sa walang tigil na ulan

Senior lawmaker, naniniwalang walang banta ng Constitutional crisis sa pagitan ng 2 Kapulungan ng Kongreso

Ang hakbang ng Senado para amyendahan ang Saligang Batas ay patunay na walang Constitutional crisis sa pagitan ng Kamara at Senado. Ito ang reaksyon ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda matapos ihain mismo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses 6 (RBH-6) na layong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.… Continue reading Senior lawmaker, naniniwalang walang banta ng Constitutional crisis sa pagitan ng 2 Kapulungan ng Kongreso

Index at focus crimes, bumaba ng 37% sa unang 11 araw ng 2024 kumpara sa nakalipas na taon

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na bumaba ng 37 porsyento ang index at focus crimes mula January 1 hanggang January 11 ng taong kasalukuyan kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Gen. Acorda na 765 insidente ng index crimes… Continue reading Index at focus crimes, bumaba ng 37% sa unang 11 araw ng 2024 kumpara sa nakalipas na taon