DSWD, patuloy sa paghahatid ng food packs sa mga mangingisdang apektado ng shear line

Tuloy tuloy pa rin ang pagpaaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development sa pamilya ng mga mangingisdang naapektuhan ng shear line sa Bicol Region. Ayon sa DSWD, puspusan pa rin ang pamamahagi ng DSWD Bicol ng humanitarian assistance sa mga apektado. Kabilang dito ang 948 family food packs (FFPs) na ipinamahagi sa… Continue reading DSWD, patuloy sa paghahatid ng food packs sa mga mangingisdang apektado ng shear line

Pamahalaan, humahanap ng kaparaanan para matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng over supply ng mga gulay

Tiniyak ng gobyerno na may ginagawa silang hakbang upang tulungan ang mga magsasakang hindi na maibagsak pa ang kanilang inaning gulay sa mga pamilihan dahil sa over supply. Sa Malacanang briefing, inihayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na naghahanap sila ng kaparaanan sa kasalukuyan para makapag- bigay ng tulong sa mga apektadong… Continue reading Pamahalaan, humahanap ng kaparaanan para matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng over supply ng mga gulay

DA, sinimulan na ang mga hakbang upang pagtugmain ang pagtatanim at pag-ani ng mga gulay upang maiwasan ang sobra at kakulangan sa produksyon

Sinimulan na ng Department of Agriculture ang hakbang upang pagtugmain ang pagtatanim at pag-ani ng mga gulay sa hilagang Luzon upang maiwasan ang sobra o kulang na produksiyon ng pagkain. Inihayag ni Regional Technical Director Robert Busania ng DA-R02 na ang unang hakbang ay naganap nang magpulong ang mga kinatawan ng Agri-business Enterprise Development at… Continue reading DA, sinimulan na ang mga hakbang upang pagtugmain ang pagtatanim at pag-ani ng mga gulay upang maiwasan ang sobra at kakulangan sa produksyon

18 pamilya mula sa bayan ng Libmanan, CamSur magkakaroon ng libreng koryente

Nasa labing walong mga pamilya mula sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur ang benepisyaryo ng libreng koryente. Sa ginanap na Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO 1) Switch-On Ceremony sa bahagi ng barangay Salvacion, sinabi ni Libmanan Mayor Jes Camara na ang pagbibigay ng libreng koryente sa labing walong mga pamilya ay pagpapakita ng kanilang pagnanais… Continue reading 18 pamilya mula sa bayan ng Libmanan, CamSur magkakaroon ng libreng koryente

Hog raisers sa La Union, nakatanggap ng P500-K na halaga ng meat processing project

Nakatanggap ang Bacnotan Hog Raisers Association Inc. ng P500,000 na halaga ng meat processing project mula sa Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ginanap ang simpleng programa sa Agri-tourism Trading Center ng Bacnotan, La Union kahapon, Enero 16, 2024. Personal na iniabot ni DOLE La Union Field Office Chief Veronica A.… Continue reading Hog raisers sa La Union, nakatanggap ng P500-K na halaga ng meat processing project

Ilang may-ari ng panaderia sa Marikina City, nag-aalangan pa ring magtaas ng presyo

May agam-agam pa rin ang ilang may-ari ng panaderia sa Marikina City hinggil sa pagtataas ng presyo sa kanilang itinitindang tinapay. Ito’y kahit suportado pa nila ang umento sa presyo ng tasty at pandesal dahil sa mahal ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay gaya ng harina at itlog kahit pa mababa ang farm gate… Continue reading Ilang may-ari ng panaderia sa Marikina City, nag-aalangan pa ring magtaas ng presyo

Mga pagdinig at sesyon ng Kamara, mapapanood na sa PTV

Maaari nang mapanood sa government TV network na PTV-4 ang mga kaganapan sa Kamara. Sa isang panayam sinabi ni House Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na pinaplantsa na ng House of Representatives at PTV ang pag-ere ng Congress TV. Aniya, hango ito sa Cable-Satellite Public Affairs Network o C-SPAN ng… Continue reading Mga pagdinig at sesyon ng Kamara, mapapanood na sa PTV

‘Worst-case scenario’ dahil sa El Niño, pinaghahandaan

Nilinaw ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na may sapat na suplay ng tubig ang bansa para sa paghahanda sa “worst-case scenario” sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon. Ayon kay LWUA Administrator Vicente Homer Revil, patuloy ang pakikipagtulungan ng ahensya sa mga local government unit, stakeholders, at komunidad sa pagpapakalat ng mga tamang… Continue reading ‘Worst-case scenario’ dahil sa El Niño, pinaghahandaan

LGU Daraga, ikinabahala ang kumakalat na “lot for sale” ng mga relocation site

Naglabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Daraga sa lalawigan ng Albay hinggil sa mga kumakalat na “lot for sale” ng relocation site sa social media. Ibinatid ng LGU Daraga sa publiko na hindi ipinagbibili ang mga lupang pagmamay-ari ng gobyerno. Nakasaad sa Republic Act. No. 7279 o ang Urban Development and Housing Act… Continue reading LGU Daraga, ikinabahala ang kumakalat na “lot for sale” ng mga relocation site

BIR, itinaas ang VAT exemption sa mga ‘For sale’ na house & lot, iba pang residential dwellings

Itinaas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang VAT Exemption sa mga bahay at lupa at iba pang residential dwellings. Nakapaloob ito sa inaprubahang Revenue Regulation No. 01-2024 ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. Sa ilalim nito, mula ₱3.2-million ay magiging ₱3.6-million na ang VAT exemption sa mga ‘for sale’ na house and lot at… Continue reading BIR, itinaas ang VAT exemption sa mga ‘For sale’ na house & lot, iba pang residential dwellings