Malawakang balasahan sa PNP, nakaumang kasunod ng pagkabakante ng pangalawang pinakamataas na pwesto

Nakatakdang magkaroon ng malawakang balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP. Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang maikling mensahe sa mga mamahayag kasunod ng Flag-raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga. Ang balasahan ay bunsod ng pagkabakante ng pangalawang pinakamataas na pwesto sa PNP, kasunod… Continue reading Malawakang balasahan sa PNP, nakaumang kasunod ng pagkabakante ng pangalawang pinakamataas na pwesto

DSWD, tuloy-tuloy ang simultaneous payout sa mga naapektuhan ng kalamidad sa huling bahagi ng 2023

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad nitong huling quarter ng 2023. Kabilang dito ang mga naapektuhan ng shear line at lindol na tumama sa Eastern Visayas at Mindanao. Ang DSWD Eastern Visayas Field Office ay sinimulan ang pamamahagi ng Emergency… Continue reading DSWD, tuloy-tuloy ang simultaneous payout sa mga naapektuhan ng kalamidad sa huling bahagi ng 2023

Ilang grupo ng PUV operators, tutol sa planong expansion ng pilot study para sa motorcycle taxi

Naghain ng Temporary Restraining Order sa Mandaluyong City Regional Trial Court ang isang grupo ng PUV operators. Ito’y para ipatigil ang expansion ng pilot study ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Technical Working Group para sa Motorcycle Taxi. Ayon kay Raphael “Alpha” Martinez, Operator ng UV Express, malaki… Continue reading Ilang grupo ng PUV operators, tutol sa planong expansion ng pilot study para sa motorcycle taxi

Ilang lugar sa Taguig, pansamantalang mawawalan ng kuryente bukas, Enero 30

Sa abiso ng Taguig LGU, magkakaroon ng limang oras na power interruption sa ilang lugar sa lungsod ng Taguig bukas, Enero 30, ganap ng 11:30 ng gabi at tatagal hanggang 4:30 ng madaling araw ng Enero 31. Ito’y upang bigyang daan ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa kahabaan ng Ballecer at Magsaysay Roads.… Continue reading Ilang lugar sa Taguig, pansamantalang mawawalan ng kuryente bukas, Enero 30

Pagpapalakas ng trade, agriculture at maritime security, ilan sa mga layunin ni PBBM sa pagtungo sa Vietnam

Ilan sa mga layunin ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa trade and investment, agriculture at maritime security sa pagitan ng dalawang bansa. Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chin at Vietnamese National Assembly… Continue reading Pagpapalakas ng trade, agriculture at maritime security, ilan sa mga layunin ni PBBM sa pagtungo sa Vietnam

DTI, buong pwersa ang pagsuporta sa ginanap na ‘Bagong Pilipinas’ kick-off rally

Buong pwersang sumuporta ang Department of Trade and Industry sa ‘Bagong Pilipinas’ Kick-off rally ng administrasyong Marcos kahapon, Enero 28, 2024 na ginanap sa Quirino Grandstand. Daan-daang empleyado nito ang lumahok at nakiisa sa aktibidad kung saan nagtayo rin ito ng isang booth at nag-alok ng murang pagkain at inumin para sa mga dumalo. Ayon… Continue reading DTI, buong pwersa ang pagsuporta sa ginanap na ‘Bagong Pilipinas’ kick-off rally

Ex. Sec. Bersamin, dumalo sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng PNP

Ipinagdiwang ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ika-33 anibersaryo sa isang simpleng palatuntunan kasabay ng regular na Flag-raising Ceremony ngayong umaga. Nagsilbing panauhing pandangal sa okasyon si Executive Secretary Lucas Bersamin. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Sec. Bersamin ang pamumuno ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pagkamit ng malalaking hakbang sa… Continue reading Ex. Sec. Bersamin, dumalo sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng PNP

Bagong Pilipinas, suportado ng PNP

Nagpahayag ng buong suporta ang Philippine National Police (PNP) sa komprehensibong pagbabago sa pamumuno at pamamahala sa pamamagitan ng “Bagong Pilipinas” na pormal na inilunsad ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sa isang pahayag kasunod ng matagumpay na Kick-off Rally ng Bagong Pilipinas, tiniyak ni PNP Public Information Office… Continue reading Bagong Pilipinas, suportado ng PNP

Mga programa sa ilalim ng MATATAG Agenda, naka-angkla sa mga layunin ng Bagong Pilipinas — DepEd

Nangako ang Department of Education (DepEd) na patuloy nilang susuportahan ang mga adhikain ng administrasyong Marcos Jr. para labanan ang kahirapan at pahusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ito ang iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang pagdalo sa Bagong Pilipinas Kick-Off Rally kahapon. Ayon sa Pangalawang Pangulo, nakaangkla… Continue reading Mga programa sa ilalim ng MATATAG Agenda, naka-angkla sa mga layunin ng Bagong Pilipinas — DepEd

Presyuhan ng sibuyas sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas sa kabila ng mababang farm gate price nito

Kumbinsido ang ilang mamimili sa Pasig City Mega Market na may nagmamanipula sa presyuhan ng sibuyas sa merkado. Ayon sa ilang namimili rito na sadyang pinatataas ng ilang mga nagtitinda ang kanilang benta. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱160 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang ₱140 naman sa puti. Malayo naman ito sa… Continue reading Presyuhan ng sibuyas sa Pasig City Mega Market, nananatiling mataas sa kabila ng mababang farm gate price nito