Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 at ng Special Project Group ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tatlong kawani ng Land Transportation Office na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga plaka sa planta nito.
Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng reklamo ang Special Project Group ng DILG kaugnay sa umano’y mga nagnanakaw ng plaka sa planta ng LTO.
Batay sa ulat, kaninang alas-12 ng tanghali nahuli sa akto ng security guard ng planta na kinukuha ng tatlong tauhan ng LTO ang limang plaka.
Ilang reklamo rin ang sinasabi na binabantaan umano ang ilang empleyado ng LTO para hindi isumbong ang kanilang ginawang umano’y pagnanakaw ng plaka.
Kasalukuyan naman nasa kustodiya ng QCPD Station 10 ang tatlong suspek upang makuhanan ng pahayag.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng QCPD Station 10 kaugnay sa reklamo. | ulat ni Diane Lear