3 pulis patay, 4 sugatan sa operasyon sa Sta. Margarita, Samar

Tatlong pulis ang nasawi at apat ang sugatan sa operasyon laban sa mga miyembro ng armadong grupo sa Brgy. Mahayag, Sta Margarita, Samar kahapon ng umaga, Enero 30. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8 na nakarating sa Camp Crame, nagtangka ang mga pulis ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Regional… Continue reading 3 pulis patay, 4 sugatan sa operasyon sa Sta. Margarita, Samar

Mas mabigat na parusa sa mga law enforcer na masasangkot sa ‘cover-up’ ng karumal-dumal na krimen, ipinanukala

Ipinanukala ni Bicol Saro partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang mas mabigat na parusa sa mga tagapagpatupad ng batas na mapapatunayang sangkot sa “cover-up” ng mga karumal-dumal na krimen. Ayon kay Yamsuan, dapat parusahan ng hanggang 20 taon na pagkakakulong ang mga ito sa halip na kasalalukuyang 12 taon. Sa ilalim ng House Bill 7972,… Continue reading Mas mabigat na parusa sa mga law enforcer na masasangkot sa ‘cover-up’ ng karumal-dumal na krimen, ipinanukala

Ilocos solon, pinuri ang DepEd sa desisyon na unti-unting pagbabalik sa dating school calendar

Pinuri ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson ang Department of Education sa hakbang na unti-unti nang bumalik sa dating school calendar simula sa susunod na school year. Kasunod ito ng kumpirmasyon ni DepEd Director Leila Areola sa Kamara na mayroon nang nakahandang kautusan para amyendahan ang DepEd Order 22, s. 2023, na tumutukoy sa opisyal… Continue reading Ilocos solon, pinuri ang DepEd sa desisyon na unti-unting pagbabalik sa dating school calendar

Deadline sa pagbabayad ng amilyar sa Malabon, itinakda sa katapusan ng Marso

Nag-abiso ang Malabon Local Government na hanggang sa katapusan ng Marso (Marso 31, 2024) maaaring magbayad ng real property tax o amilyar sa lungsod para sa unang quarter ng taon. Ayon sa LGU, may apat na opsyon ang mga taxpayer para makapagbayad ng amilyar. Kabilang dito ang mga sumusuond: 1. Cash Payment (City Treasury Department,… Continue reading Deadline sa pagbabayad ng amilyar sa Malabon, itinakda sa katapusan ng Marso

Mga sundalong responsable sa pag-nutralisa ng 9 na terorista sa Lanao del Sur, pinarangalan

Pinarangalan ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. William Gonzales ang mga sundalo na bahagi ng matagumpay na operasyon noong nakaraang linggo sa Barangay Taporog, Piagapo Lanao Del Sur na nagresulta sa nutralisasyon ng 9 na Dawlah Islamiyah terrorists. Ipinagkaloob ni Lt. Gen. Gonzales ang military merit medal sa mga tropa ng 3rd Scout… Continue reading Mga sundalong responsable sa pag-nutralisa ng 9 na terorista sa Lanao del Sur, pinarangalan

DSWD, hiniling ang suporta ng mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapalawak ng Oplan Pag-abot

Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang mas komprehensibong intervention para sa mga pamilya, bata, at indibidwal na nakatira sa lansangan. Sa isinagawang kauna-unahang Inter-Agency Committee (IAC) meeting para sa Oplan Pag-Abot, hiniling ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang suporta ng iba’t ibang ahensya para maisakatuparan ang hangarin ng Executive Order… Continue reading DSWD, hiniling ang suporta ng mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapalawak ng Oplan Pag-abot

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 5.6% sa huling quarter ng 2023

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 5.6% na paglago sa ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng 2023. Bahagyang mas mababa ito kumpara sa 5.9% Gross Domestic Product (GDP) noong ikatlong quarter ng taon at 7.1% growth rate sa kaparehong quarter ng 2022. Dahil dito, umabot sa 5.6% ang annual GDP rate na kapos… Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 5.6% sa huling quarter ng 2023

Kasunduan sa pagpapalakas ng disaster response ops ng pamahalaan, nilagdaan ng OCD at NEXT-GEN

Lumagda sa isang kasunduan ang Office of Civil Defense (OCD) at Next Generation Advocate Foundation Philippines Inc. (NEXT-GEN) para mapalakas ang kakayahan ng gobyerno sa pagtugon sa mga kalamidad. Sa pamamagitan ng kasunduan, sinabi ni OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno na magkakaloob ang NEXT-GEN ng kanilang resources sa tuwing may kalamidad. Kasama rito ang logistic… Continue reading Kasunduan sa pagpapalakas ng disaster response ops ng pamahalaan, nilagdaan ng OCD at NEXT-GEN

DOF, kinilala ang ambag ng LandBank sa national gov’t, partikular sa sektor ng agrikultura, pangisdaan

Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa Land Bank of the Philippines ang  suporta ng Kagawaran ng Pananalapi sa kanilang pagkamit ng 2024 targets. Sa kanyang pulong kay LandBank President and CEO Ma. Lynette V. Ortiz, tinalakay nito ang bank operation ng LBP, financial performance, at mga pangunahing programa tungo sa digitalization,… Continue reading DOF, kinilala ang ambag ng LandBank sa national gov’t, partikular sa sektor ng agrikultura, pangisdaan

State Visit ni Pres. Marcos Jr. sa Hanoi, Vietnam, naging produktibo.

Naging produktibo ang unang State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong 2024, kung saan, muling napagtibay ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Vietnam. Sa ulat ng Pangulo, sa pagtatapos ng kaniyang pagbisita sa Vietnam, sinabi nito na kahit 24-oras lamang ang itinagal ng Philippine delegation sa Hanoi, maraming kasunduan ang napagtibay ng dalawang… Continue reading State Visit ni Pres. Marcos Jr. sa Hanoi, Vietnam, naging produktibo.