21 gamot, exempted sa VAT — BIR

Inilabas ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang updated na listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT). Ito ay sa bisa na rin ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 kung saan inalis na ng BIR ang VAT sa 21 gamot na para sa Cancer, Diabetes, Hypertension, Kidney Disease, Mental Illness, at… Continue reading 21 gamot, exempted sa VAT — BIR

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, bahagya pang nabawasan

Bahagya pang nabawasan ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon sa gitna ng pag-iral ng El Niño. Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am, mas mababa na sa kanilang rule curve elevation o normal nitong lebel sa ganitong panahon ang limang dam sa Luzon. Kabilang dito ang Ambuklao Dam na… Continue reading Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, bahagya pang nabawasan

BFAR Bicol, nakahanda na sa nangangambang epekto ng  El Niño sa rehiyon

Nagpahayag ng kahandaan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa nangangambang epekto ng El Niño sa mga mangingisda sa rehiyon. Ayon sa BFAR Bicol, may nakahanda na anila silang mitigation plan para mabawasan ang epekto ng El Niño sa sektor ng mangingisda sa anim na probinsya sa Bicol. Malaki anila ang magiging… Continue reading BFAR Bicol, nakahanda na sa nangangambang epekto ng  El Niño sa rehiyon

Pagtatatag ng Bulacan Airport City Special Economic Zone, ipinapanukala sa Senado

Nais ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bumuo ng Special Economic Zone sa Bulacan kasabay ng inaasahang pagkumpleto ng New Manila International Airport sa taong 2027. Sa inihaing Senate Bill 2524 ni Villanueva, ipinapanukala ang pagtukoy sa partikular na lugar ng economic zone kung saan sakop ang domestic at international airport at ang Bulacan… Continue reading Pagtatatag ng Bulacan Airport City Special Economic Zone, ipinapanukala sa Senado

Listahan ng botante sa buong bansa, pinalilinis kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng Voters’ Registration sa Pebrero

Hinikayat ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez ang Commission on Elections (COMELEC) na i-update at linising mabuti ang listahan ng mga botante sa buong bansa.  Sa inihaing nitong House Resolution 1542 sinabi ni Gomez na mahalagang gawin ito ng COMELEC bago ang muling buksan ang Voters’ Registration para sa 2025 Elections. Punto ni Gomez,… Continue reading Listahan ng botante sa buong bansa, pinalilinis kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng Voters’ Registration sa Pebrero

Higit 6,000 indibidwal, apektado ng ulang dala ng trough ng LPA sa Mindanao — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 1,772 pamilya o higit 6,000 indibidwal na apektado ng malalakas na ulang dala ng trough o extension ng low-pressure area (LPA) sa Mindanao. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 11 at CARAGA. Batay din sa datos ng DSWD… Continue reading Higit 6,000 indibidwal, apektado ng ulang dala ng trough ng LPA sa Mindanao — DSWD

Pinsala ng El Niño sa agri sector, sumampa na sa ₱100-M — DA

Umakyat na sa ₱109-million ang naitala ng Department of Agriculture (DA) na halaga ng pinsala ng El Niño phenomenom sa sektor ng pagsasaka. Sa datos ng DA Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, nasa higit 4,738 metriko tonelada na ang kabuuang volume ng production loss sa sektor. Aabot na rin sa 2,602 na… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agri sector, sumampa na sa ₱100-M — DA

Marikina LGU, nakatanggap ng Seal of Good Local Governance award mula sa DILG

Pormal na iginawad sa Lungsod ng Marikina ang Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito na ang pinakamataas na award na maaaring matanggap ng mga lokal na pamahalaan mula sa ahensya. Layon nitong kilalanin ang katapatan at kahusayan ng mga lokal sa pamahalaan sa iba’t ibang… Continue reading Marikina LGU, nakatanggap ng Seal of Good Local Governance award mula sa DILG

Ilang kalsada sa Metro Manila, maaring makaranas ng mabigat na trapiko sa paglilipat ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway Project

Abiso sa mga motorista. Maaaring makaranas ng mas mabigat na trapiko ang ilang kalsada sa Metro Manila sa susunod na linggo. Ito ay dahil sa isasagawang paglilipat ng tunnel boring machine na gagamitin para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project simula sa February 2 at 3 at February 4 at 5 ng alas-10 ng… Continue reading Ilang kalsada sa Metro Manila, maaring makaranas ng mabigat na trapiko sa paglilipat ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway Project

Bayanihan sa Barangay Program ng MMDA, umarangkada sa Barangay Damayan sa Quezon City

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Barangay Damayan sa Quezon City kahapon sa ilalim ng Bayanihan sa Barangay Program. Ayon kay MMDA General Manager Undersecretary Popoy Lipana, layon ng programa na hikayatin ang mga residente ng barangay na panatilihing malinis ang kanilang lugar katuwang ang iba’t ibang departamento ng… Continue reading Bayanihan sa Barangay Program ng MMDA, umarangkada sa Barangay Damayan sa Quezon City