4 na kainuman ng umano’y biktima ng “stray bullet” kakasuhan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ang apat na kainuman ng umano’y  biktima ng “stray bullet” sa Mariveles, Bataan, matapos lumabas sa imbestigasyon na hindi “stray bullet” ang ikinasawi ng biktima.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Ayon kay Fajardo, noong una palang ay duda na ang mga imbestigador na “stray bullet” ang ikinasawi ng biktima dahil sa magkakaibang pahayag ng apat na kasamahan na nagsugod sa kanya sa ospital.

Kinalaunan aniya ay umamin ang isa sa mga kainuman ng biktima na aksidenteng nabaril ang biktima, matapos na isailalim sila sa paraffin test ng mga imbestigador.

Sinabi ni Fajardo, dahil dito in-inquest na ngayon ang suspek at sasampahan din ng kaso ang tatlo pang kasamahan dahil sa pagtatangkang itago ang totoong nangyari sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us