Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na habulin ang mga nasa likod ng pamimirata sa mga pelikulang Pilipino.
Ito’y makaraang dumulog kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr. ang iba’t ibang grupo ng mga film producer noong isang linggo.
Ayon sa mga film producer, malaki ang nawawala sa kanilang kita dahil sa piracy kaya’t nais nilang masawata ito.
Kaya naman nagbigay direktiba na ang PNP Chief sa Anti-Fraud Commercial Crime Unit ng CIDG para tumulong sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Tiniyak din ni Acorda sa mga ito na kanilang pagtutuunan ng pansin ang anti-piracy sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala