Inilunsad ng Estados Unidos ang ikalawang yugto ng kanilang “Environmental Justice Sector and Law Enforcement Support for the Philippines” project na magkakaloob ng karagdagang ₱28 milyong pondo para sa pagsugpo ng “environmental crimes” sa Palawan.
Ang pagpapatuloy ng proyekto ay inilunsad kahapon sa seremonya sa Puerto Princessa, Palawan.
Dito’y ipinagkaloob ni U.S. Forest Service Program Manager Kyle Horton at U.S. Department of State, Bureau of International Narcotics and Law (INL) Enforcement Affairs Deputy Director Luke Bruns ang tatlong Starlink satellite internet terminals mula sa Estados Unidos kay Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) Executive Director Teodoro Jose Matta.
Ang unang yugto ng proyekto ay sinimulan noong 2019 sa pamamagitan ng inisyal na ₱28 milyong grant mula sa Estados Unidos, upang mapalakas ang kapasidad ng PCSD at kaniyang law enforcement partners na labanan at pigilan ang environmental crimes. | ulat ni Leo Sarne
📷: US Embassy