Iniimbestigahan na ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District ang dahilan ng pagkamatay ng isang Jonathan Pava, 33 taong gulang.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa panayam ng AWtoridad sa pinsan ng biktima na kasama nito nang mangyari ang insidente, nag iinuman sila kasama ang ibang katrabaho nitong Enero 11, Huwebes sa may seawall ng Binondo, Intramuros nang biglang sabihin ng biktima na lalangoy ito sa Pasig River.
Matapos anila itong tumalon ay hindi na ito lumutang pa dahilan kaya tumawag na ng tulong ang mga kainuman nito.
Dahil naman sa isinagawang paghahanap ay natagpuan ang biktima na wala nang buhay.
Dahil dito ay magpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente habang inaantay ang resulta ng awtopsiya. | ulat ni Lorenz Tanjoco