Pumalo na sa 155 na indibidwal ang napagsilbihan ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng Traslacion ng Itim na Nazareno 2024.
Batay sa pinakahuling ulat ng Red Cross, 28 sa mga ito ang kinuhanan ng vital signs, 50 ang naitalang minor case o nagtamo ng sugat o galos at kinailangang dalhin sa emergency field hospital.
Habang isang buntis ang kinailangang dalhin sa Philippine General Hospital dahil sa pananakit ng tiyan nito at aabot naman sa 60 indibidwal ang binigyan ng hot meals gaya ng arroz caldo.
Naka-standby naman ang 10 first aid station, 8 welfare desk, isang emergency field hospital, 17 ambulansya, isang fire truck at isang food truck ng Red Cross para umalalay sa mga dumalo at nakilahok sa Traslacion. | ulat ni Jaymark Dagala