Patuloy ang ginagawang power restoration activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga planta sa Isla ng Panay upang tuluyan nang maibalik ang suplay ng kuryente sa Western Visayas.
Kasunod ito na nangyaring malawakang brownout sa lugar matapos na ang tripping ng mga power plant at maintenance shutdown.
Batay sa pinakahuling ulat ng NGCP, as of 1 PM, umabot na sa 232 megawatts ang naisusuplay na kuryente ng mga planta sa Panay habang aabot naman sa 15 megawatts ang mula sa ibang bahagi ng Visayas para sa kabuuang 247 megawatts loads.
Sinabi naman ng NGCP na mangangailangan ng 300 megawatts para maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Visayas grid.
Kaugnay nito ay hinihintay ng NGCP ang 135 megawatts na magmumula naman sa Palm Concepcion Power Corporation (PCPC). | ulat ni Diane Lear