Pag-IBIG Fund, pinasalamatan ang ilang OFW workers group sa pagsuporta sa premium hike ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Home Development and Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa patuloy na suporta ng iba’t ibang grupo ng manggagawa mula sa lokal at internasyonal sa nakaambang premium hike ngayong 2024.

Sa isang Statement, sinabi ng Pag-IBIG na nakuha nila ang simpatya ng Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. hinggil sa pagtataas ng contribution ngayong taon.

Ayon naman kay KAMPI President Luther Calderon, suportado rin ng kanilang grupo ang Pag-IBIG Fund dahil nakikita nila ang malaking kontribusyon nito sa pagbibigay ng bahay sa bawat miyembro, na hangad ng bawat OFW na magkaroon ng sariling bahay mula sa kanilang pinagpagurang kita sa ibayong dagat.

Samantala, taos-puso namang nagpasalamat ang pamunuan ng Pag-IBIG sa naturang mga grupo at sisiguruhin nito ang maayos na pamamahala sa mga kontribusyon ng bawat miyembro ng Pag-IBIG.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us