Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nahihirapan siyang pumili ng mga opisyal na ilalagay sa mga bakanteng matataas na posisyon sa PNP.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, ipinaliwanag ni General Acorda na marami sa mga bakanteng posisyon ngayon ay nangangailangan lang ng one-star rank.
Pero sa oras aniya na maipasa ang PNP Reorganization Act, ang mga posisyong ito ay mangangailangan na ng 2-Star rank.
Giit ng PNP chief, hangga’t maaari ay gusto niyang punuan ang mga bakanteng posisyong ito, pero nais niyang iwasan na mag-alis ng mga opisyal dahil sa pagbabago sa rank-requirement, kapag naipasa na ang PNP Reorganizatin Act.
Para aniya maiwasan ang karambola sa mga pwesto, mga officer-in-charge muna ang itatatalaga sa mga bakanteng pwesto hanggang sa maipasa na ang PNP Reorganization Act, na inaasahan sa malapit na hinaharap. | ulat ni Leo Sarne