Palalakasin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kanilang partnership para sa kapayapaan at kaunlaran.
Ito ang kapwa ipinangako nina DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay at BARMM Member of Parliament at Vice Chair ng Moro National Liberation Front Central Committee MP Romeo Sema sa ginanap na pulong ngayong araw sa Central Office ng ahensya.
Gaya ng napagkasunduan ng magkabilang panig, papahusayin ang mga sustainable livelihood program sa ilang komunidad sa Bangsamoro, sa tulong ng BARMM Ministry of Social Services Department.
Pareho ding pinagtibay ang partnership sa pagpapabuti ng mga pangunahing aspeto ng DSWD peace and development case management toolkit.
Kabilang ang mainstreaming ng mga komunidad ng Bangsamoro tungo sa pagbuo ng bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga focus group discussion sa Maguindanao, Sulu, at Lanao provinces.| ulat ni Rey Ferrer