Tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan noon ng malakas na magnitude 6.8 na lindol sa Saranggani Province.
Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa SOCCSKSARGEN, partikular na makakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nasiraan at nawalan ng bahay.
Kabilang sa mga huling binigyan ng tulong ang mga pamilya mula sa bayan ng Malapatan, Sarangani.
Tinatayang aabot sa 1,500 na pamilya mula sa Barangay Lun Masla ang nakatanggap ng cash aid na P13,590 na magagamit sa pag-repair ng kanilang bahay.
Kahapon, unang nabigyan ng Emergency Cash Transfer ang 485 pamilya mula sa bayan ng Glan mula sa DSWD Field Office-12. | ulat ni Rey Ferrer